Looking For Anything Specific?

Aamin na nga ba? Dominic Roque nag-post ng video na magkasama sila ni Bea Alonzo

Mukhang unti-unti ng lumalantad sa publiko ang rumoured couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Si Dominic na mismo ang nag-post ng video na kasama niya si Bea Alonzo, sa U.S.

Ito ay kasabay ng ipagdiwang ng binata ang kanyang kaarawan kahapon July 20.

Base sa Instagram Story ni Dominic, nag-wacky face siya habang matamis ang pagkakangiti ng bagong Kapuso actress

 

Ipinakita rin ng binata na nasa bahay lang sila, at masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang tiyahin na si Beth Tamayo.

May ilan din silang kasama habang chill na umiinom ng wine si Beth sa tapat ng sinindihan nilang fire pit.

 

Ipinakita din ni Dominic na nagiihaw sila ng manok sa backyard.

Tila pulutan dahil may hawak ding baso na may alak ang aktor.

 

May video din na naglalakad sila at maririnig si Bea na nagsasalita habang si Dominic ang kumukuha ng video.

Tila ikinekwento ng aktres ang tungkol sa mga pagkain na kanilang nilantakan.

 

Walang dudang nag-level up ang ugnayan nina Dominic at Bea, lalo na ngayong personal nang naipakilala ni Dominic si Bea sa kanyang tita Beth.

Kaya naman madaming fans nila ang kinikilig ngayon.

May nagsabi pa na nanumbalik umanonang saya sa mga mata ng nagong Kapuso actress.

At si Dominic naman ay hindi na talaga mapigilang ipagsigawan sa publiko na kasama niya si Bea Alonzo.

Dominic Roque, umamin na sa relasyon nila ni Bea Alonzo matapos magkomento sa Instagram picture ng aktres ng “i*y”

Marami ang kinilig sa comment ni Dominic Roque sa ibinahaging larawan ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Mtatandaan na noong July 9, ay lumipad patungong Los Angeles California si Bea.

Una nang nabanggit ni Bea na magbabakasyon muna siya bago simulan ang mga nakapilang trabaho niya sa GMA Network.

Matagal na raw niyang napagplanuhan ang bakasyong ito.

Ang hindi nabanggit ni Bea ay kasama rin pala sa bakasyong ito ang rumored boyfriend niyang si Dominic.

Marami kasi ang nakapansin nito dahil sa ibinahaging Instagram stories ni Dominic na kaparehong taco restaurant na binisita ni Bea sa L.A.

Kasabay ng mga post nila ay ang pagsulpot ng mga kuhang larawan ng dalawa sa airport.

Kasama ang ilang airport personnel.

Ipinost ito ng airport personnel sa kanyang Instagram Story, at naka-tag pa sina Bea at Dominic.

Bagamat madalas mag-post ng tugmang photo ang dalawa via social media, hindi sila nagpo-post ng mga larawang magkasama.

Samantala, muling kinakiligan ng marami ang iniwang komento ni Dominic.

Ito ay sa bagong Instagram post ni Bea, nakasuot ito ng white dress na may cherry print habang nasa beach. Base rin sa post ng aktres, kinunan ang litrato sa Malibu, California.

 

Hindi naman naiwasan ng netizens na muling mag-ingay dahil sa nakakakilig na comment ni Dominic na “i*y” sa larawan ng aktres.

Marami ang nag-interpret sa comment na “ILY” o “I love you” raw ang ibig sabihin nito. Sa text messaging or internet slang, ang “ILY” ay abbreviation ng “I love you.”

Bukod sa “i*y” ay sinamahan pa ito ni Dominic ng kiss emoji. Sa loob lamang ng isang oras, umani ang comment ni Dominic ng mahigit 13,373 likes.

Tanong tuloy ng marami, aamin na nga kaya ang dalawa?

The post Aamin na nga ba? Dominic Roque nag-post ng video na magkasama sila ni Bea Alonzo appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments