Trending ngayon ang muling pagkikita nina Toni Fowler at dating kasintahang si Rob Moya. Nakaraang taon ay napabalitang naghiwalay na nga ang dalawa, ngunit naghiwalay silang walang samaan ng loob. Sa katunayan ay inihatid pa ni Toni si Rob sa kanyang bagong bahay. Maaalalang habang nag-iimpake noon si Toni ay mangiyak-ngiyak ito dahil sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Sa hiwalayan nilang ito ay si Tito Vince ang naging sandalan ni Mommy Toni sa mga panahong siya ay nag-iisa at bumabangon sa sakit na nadarama.

Ginulat ni Toni ang publiko nang ipost ang video ng muling pagkikita nila ni Daddy Rob. Mahigpit na yakap ang ibinigay nila sa isat isa tanda ng sobrang pagkamiss nila.

Sa videong ito ay marami ang nasiyahang fans na nag-aabang ng come back nila. Ngunit hindi lahat ng tao ay mapi-please nila, marami rin ang nanghinayang sa relasyong nabuo sa pagitan ni Toni at Tito Vince.

Inakala ng ilang netizens ay magiging sila sa totoong buhay kung kaya naman ay marami ang nalungkot sa video na ito.

Sa naging samahan ni Tito Vince at Toni ay kinagiliwan ito ng kanilang fans. Marami rin ang humanga kay Tito Vince dahil tinulungan niya itong bumangon mula sa pagkalugmk.

Ilang netizens din ang nagsabi na susuportahan pa rin si Mommy Toni kung saan ito masaya.
Tito Vince, emosyonal na niyakap ng mahigpit si Toni Fowler pagkatapos ng pagkikita nito kay Rob Moya

Mahigpit na yakap mula sa naing sandalan noong panahon na kinakailangan.
‘Yan ang ibinigay ni Tito Vince para kay Toni Fowler makatapos ang pakikipagkita niya kay Rob Moya.
Nang ilabas ni Toni ang video ng muli nilang pagkikita ni Rob marami ang tila nadismaya.

Lalo na sa mga tumatangkilik sa samahan na mayroon sila ni Tito Vince.

Hindi kaila sa publiko na si Tito Vince ang naging sandalan ni Toni nang mga panahon na lugmok siya.

Dahil sa nangyaring hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Rob Moya.

Si Tito Vince ang umalalay sa kanya upang makabangon muli. Nagpuno ng pagkukulang na naiwan ni Rob sa kanilang pamilya.

Marami din sa kanilang tagahanga ang naaliw sa naging samahan nila, na umasa na sa bandang huli ay magiging sila.

Dahil anila, deserve ni Toni ang lalakeng katulad ni Tito Vince, mabait, responsable, at laging nasa kanyang tabi.

Inakala na nga ng lahat na mauuwi na sa in a relationship ang kanilang status. Dahil sa kani-kanilang mga vlog ay ibang sweetness ang ipinapakita nila.

Ramdam din ng kanilang mga fans ang love and care ni Tito Vince para kay Toni at sa anak nitong si Tyronia.

Kaya naman madami ang nadismaya sa video ng muling pagkikita nina Toni at Rob.

May ilan pa ngang binash si Toni dahil sa tila pakikipag-ayos nitong muli sa ating kasintahan.

At marami naman ang nasaktan para kay Tito Vince. Ngunit ayon sa binata ay handa siyang muling maghintay kay Toni Fowler.

Ito ang pinatunayan ni Tito Vince sa kanyang pinost na video.

Makikita sa video na kanyang ibinahagi na pagkatapos niyang sumayaw ay pumunta siya kay Toni at niyakap ito.
Patunay lamang na kahit ano pang mangyari ay nasa tabi pa rin siya ni Toni.
The post TRENDING: Ginulat Ni Toni Fowler Ang Publiko Sa Muling Pagkikita Nila Ni Rob Moya! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments