Looking For Anything Specific?

AJ Raval, sinita ng kanyang ama na si Jeric Raval dahil sa suot nito habang nagka-carwash

Nakatikim ng sermon si AJ Raval mula sa kanyanag amang si Jeric Raval.

Maraming mga artista ang kanya-kanya nang upload sa kani-kanilang vlog sa Youtube.

Kung saan ibinabahagi nila ang ilang mga pangyayari o bagay sa kanilang personal na buhay sa likod ng camera.

Sa pamamagitan ng mga vlog na ito, mas lalo pa silang nakikilala ng mga fans hindi lang bilang isang artista kundi isang kapatid o kaibigan.

Isa na nga sa mga artistang pinasok ang pagva-vlog ay si AJ Raval.

Matatandaan, mabilis na naging viral ang video upload niya kung saan naglilinis siya ng kanyang kwarto.

Ang “Cleaning My Room” vlog ni AJ ay naging instant trending dahil maraming netizens ang nakapansin sa kaseksihan niya sa naturang video.

Halos isang araw pa lang noon ng ibahagi niya ang video ay nagkaroon agad ng million views. Patunay lamang na iba talaga ang karisma ni AJ.

At kamakailan lang isang panibagong video na naman na tiyak kagigiliwan ng kanyang mga fans ang ibinahagi ng aktres.

This time ay maglilinis naman si AJ ng sasakyan na aniya first time niyang gagawin. Ang kanyang nilinis na sasakyan ay pick up na itim kaya medyo may kalakihan.

Sa umpisa ng kanyang video ay enjoy na enjoy ang dalaga sa paglilinis kahit hindi umano siya marunong.

Hindi niya alam kung paano uumpisahan pero unti-unti naman niyang nalilinis ito.

Habang nagka-car wash napakaseksi talagang suot ni AJ na talagang kita ang hubog ng kanyang katawan.

Nakaputi lang siya dress o tila kamiseta kaya naman ng mabasa ay bakat na ang kanyang panloob.

Kaya naman paglabas ng kanyang amang si Jeric Raval ay matinding sermon ang kanyang inabot.

Sinabi ng aktor na maglilinis lamang siya ng kotse ay ganun pa ang kanyang suot, literal na reaksyon lamang ng isang amang ayaw mabastos ang kanyang anak.

Sikat At Gwapong Aktor, Inaming Crush Noon Ni AJ Raval.

Isa sa may magandang mukha ngayon sa telebisyon at social media si AJ Raval. Siya ay anak ng sikat na action star noong 90’s na si Jeric Raval. Sa taglay nitong ganda ay marami ang humahanga sa kanya. Isa na rin siyang youtube vlogger, sa katunayan ay sa labing isang video na inupload niya ay may kalahating milyong subscriber na siya.

Una siyang lumabas sa It’s Showtime at magmula noon ay inaabangan na siya ng madla. Marami rin itong followers sa kanyang social media accounts.

Umani ng samut saring reaksyon ang inupload niyang video na “Jojowain o Totropahin”. Kasama niya rito ang kanyang kapatid.

Ayon sa kaniya ay hindi daw niya type ang mga conyo guys dahil kinalakihan daw niya ay parang ang tatay at kuya niya na astig at pang masa.

Ilan sa mga totropahin niya ay sina Tony Labrusca, Marco Gumabao, Sam Concepcion, Diego Loyzaga, Ronnie Alonte at Jerome Ponce.

Ang jojowain naman niya ay sina Jameson Blake, Axel Torres, Donny Pangilinan at Joshua Garcia.

Noong tinanong na si Ronnie Alonte, ikinuwento niya na noong bandang 2016 ay nagchachat daw siya gamit ang kanyang Instagram account bilang fan girl. Pero noong medyo napapansin na siya ng mga tao at dumadami na ang followers niya ay blinock na daw niya ito. Ito raw ay kasama na sa memories niya ngayon. Ipinaliwanag din niya in respect sa current girlfriend ni Ronnie na si Loisa Andalio na puppy crush lang daw iyon.

The post AJ Raval, sinita ng kanyang ama na si Jeric Raval dahil sa suot nito habang nagka-carwash appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments