Inamin ng aktres na si Angel Locsin na hindi pala siya nakatapos ng high school.
Ikinuwento ito ng aktres nang mapa-throwback s’ya during her guesting recently sa podcast ni Matteo Guidicelli na MattRuns sa Spotify.
Naitanong ni Matteo kay Angel kung saan niya nakikita ang kanyang sarili pag lumipas ang ilang taon.

Ani Angel, naiisip niyang mayroon na siyang sariling pamilya at mga anak.

Sinundan naman ni Matteo ng tanong na kung papayagan daw ba ni Angel ang magiging anak nila ni Neil Arce na pumasok sa showbiz.

Papapayag umano ang aktres ngunit mas gugustuhin niya daw na pag-aaral ang maging priority ng kanyang magiging anak.

Aniya iba daw kasi ang may diploma, at alam niya ang kahalagahan nito gayung hindi siya nakatapos ng pag-aaral.

“Kasi hindi ako graduate eh. Alam ko kung gaano kaimportante ‘yung pag-aaral,” saad ni Angel.

Ibinahagi din niya na marami na siyang narating bilang artista pero iba pa din ang may diploma.

Alam kong may mga achievements ako pero iba pa rin talaga ‘yung may diploma ka. Pwede mo iyon dalahin kahit nasaan ka. Hindi ‘yun mananakaw sa iyo,” pagbabahagi pa ng aktres.

Isa din sa inamin ng Kapamilya actress at TV host kung bakit siya nag-artista ay para makaipon ng pera para sa operasyon noon ng kanyang tatay.

Ayon kay Angel, ang talagang plano niya ay dalawang taon lang siya magtatrabaho bilang artista at pagkatapos noon ay magku-quit na rin siya sa showbiz.

Ngunit biglang nagbago ang desisyon niyang mag-retire agad sa showbiz nang dahil sa ilang veteran stars na nakatrabaho niya sa mga nagawa niyang proyekto.

At present ay nakatuon muna si Angel sa kanyang personal na buhay.
Angel Locsin, hindi nag-atubiling ialok ang kanyang bahay para sa kaligtasan nina Neri at Chito sa Tagaytay
Ibang klaseng kaibigan talaga ang aktres na si Angel Locsin.
Ito ang pinatunayang muli ni Chito Miranda sa kanyang post sa Instagram kamakailan.
Kung saan makikita ang conversation nila ni Angel, mababasa na inaalok ng aktres ang kanyang bahay.
Ito ay dahil nag-aaalala si Angel sa nabalitang muling pagalboroto ng bulkang Taal.

Sa Alfonso Cavite kasi naninirahan si Chito at ang kanyang buong pamilya at ito nga ay malapit sa Taal.

Bilang isang mabait na kaibigan, sinabi ni Angel na bukas ang kanyang bahay para sa pamilya ng kaibigan.

Aniya may kwarto daw para kina Chito, Neri at sa kanilang anak sa kanyang bahay.

At maging kung sino pa man na kasama nila sa bahay nila sa Alfonso ay welcome na welcome.

Saad naman ni Chito ay ‘wag mag-alala ang kaibigan dahil ayos lamang ang kalagayan nila at pinasalamatan ang aktres sa pag-aalala nito.

“Napakabait lang talaga nitong tao na ‘to. Mula dati, hanggang ngayon…sobra talaga,” saad ni Chito sa kanyang caption.

Kalakip nito ang screenshot ng conversation nila ni Angel Locsin.
Sa comment section naman ng kanyang post, agad na nagbigay ng kanyang komento ang fiancee ni Angel na si Neil Arce.
Saad ni Neil, ” Hindi libre yan kelangan daw kanta ka gabi gabi.”
Pati na rin ang kaibigan nilang si Bubbles Paraiso ay may nakakatuwa ding komento, aniya “para daw May taga hawak ulit ng pads for Muay Thai.”
Tanging reaksyon naman ni Angel ukol dito, “Bored ka tsong??? lol nakatutok na mga camera tapos diretso kanta ka na sa kumu lol”
Umani din ng papuri ang kabaitang ito ni Angel. Sad ng maraming netizens iba daw talaga maging kaibigan ang aktres.
Lagi daw Darna to the rescue!
The post Angel Locsin, inaming kahit malaki na ang narating sa buhay gusto paring makapagtapos ng pag-aaral appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments