Looking For Anything Specific?

Alamin Bakit Nga Ba Hindi Nag-Usap Si Dani Barretto Ang Kanyang Amang Si Kier Legaspi Sa Loob Ng Pitong Taon At Bakit Ang Kanyang Ina Lamang Ang Naghatid Sa Kanya Sa Altar Noong Ikinasal Ito.

Si Dani Barretto ang anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi. Si Dani ay lumaki sa piling ng kanyang ina. Masakit daw para sa kanya na hindi man lamang niya maka-bonding ang kanyang ama na hindi naman mahirap mahanap dahil hindi naman daw ito OFW.

“Because I knew that he was just around eh. I knew that hindi naman siya OFW”

Sa isang panayam ni Vicki Belo kay Dani ay napag-usapan nila ang tungkol sa kanyang ama. Inamin niyang nag-reach out siya sa kanyang ama. Sa katunayan ay tumira daw siya sa kanyang ama sa loob ng tatlong buwan noong siya ay 19 years old.

Aniya ay nasa point siya ng kanyang buhay na kailangan niya ang kanyang ama, gusto raw niya ng different point of view dahil buong buhay niya ay ang kanyang ina lamang ang kasama niya. Sa tatlong buwan na iyon ay mas nakilala pa niya ang kanyang ama, masayang masaya sila noon at nagkaroon sila ng masayang memories. Pero naudlot daw ito dahil nagkaroon ng falling out.

Inalala ni Dani na mayroon silang hindi pagkakaintindihan ng kanyang ama at nauwi ito ng hindi pag-uusap sa loob ng pitong taon. Sa kabila ng pinagdaanan nila ay nagkaroon sila ng pagkakataong ayusin ito. Nakaraang taon ay tinawagan ni Dani ang ama. Emosyonal daw ito dahil gusto gusto niyang kapag tinanong siya ng kanyang anak kung sino ang daddy niya ay may maiku-kwento siya.

Mayroon na rin silang usapan na magkikita kita sila kapag bumuti na ang panahon.

Ipinaliwanag din niya na kaya ang kanyang ina lamang ang naghatid sa kanya sa altar.

“My mom is walking me down the aisle because it’s only right that she walks me down the aisle because she raised me on her own. Everything that I am, it’s all because of her. She is the most deserving to walk me down the aisle”, ayon sa kanyang vlog noong 2019.

Dennis Padilla, hindi napigilang maging emosyonal ng mapag-usapan ang kontrobersyal na pagpalit ng family name ni Julia Barretto

Emosyonal na ibinahagi ni Dennis Padilla ang kanyang saloobin ukol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak.

Nagkaroon ng panibagong pagkakataon si Dennis Padilla na masabi sa anak na si Julia Barretto ang hinanakit niya dito.

Nang magtangka itong palitan ang kanyang apelyido, from Baldivia to Barretto, ilang taon na ang nakararaan.

Sa pinaka latest vlog ni Ogie Diaz ay naging guest niya si Dennis.

Dito ay pinag-usapan nila ang mga pinagdadaanan ngayon ng komedyante.

Isa sa kanilang topic ay ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak sa dating asawang si Marjorie Barretto.

Common knowledge sa showbiz na gustong ipatanggal ni Julia ang apelyido ng komedyante sa kanyang pangalan noon.

Nag-file pa diumano noon ang girlfriend ni Gerald Anderson sa korte ng petition to change her last name last 2015.

Pero nang ma-debut si Julia ay nagsabi itong hindi na niya ipare-remove ang Baldivia sa kanyang last name.

Moving forward, nagkaayos na sila pero aminado pa rin si Dennis na isang C0’VID survivor na naging masakit sa kanya ang ginawa ng anak noon.

“That was a dagger. It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit ‘yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto n’yo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, kilala ka nang Barretto, bakit tatanggalin n’yo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin ‘yun,” saad ni Dennis.

“Bakit kailangan palitan ng family name, samantala ang gamit naman niya eh mas kilala sila ng tao sa Barretto bakit kailangan palitan yung name?”

Ito na lamang daw ang naisip ni Dennis ng sabihin sa kanya ng anak na, “Pa I’m sorry ah pinalitan na namin yung apelyido mo Barretto na kaming lahat.”

Panoorin dito ang panayam ni Ogie kay Dennis:

Anong masasabi mo?

The post Alamin Bakit Nga Ba Hindi Nag-Usap Si Dani Barretto Ang Kanyang Amang Si Kier Legaspi Sa Loob Ng Pitong Taon At Bakit Ang Kanyang Ina Lamang Ang Naghatid Sa Kanya Sa Altar Noong Ikinasal Ito. appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments