Taong 2014, noong naipalabas ang Saturdays’ sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Kasama din sa sitcom na ito si Ellen Adarna kung saan gumaganap sya bilang si Tanya na mistr*ss ng role ni John Lloyd Cruz na si Romeo.

Ang romantic connection nina Romeo at Tanya ay natuloy hanggang off cam bilang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Dahil na rin sa kanilang personal na kagustuhan, piniling umalis na lang sa show sina John Lloyd at Ellen at magsama na lang ng normal sa likod ng kamera.

Taong 2017 noong nagging opisyal na magkasintahan na nga sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz. Pero noong taong 2019 ay napabalitang hiwalay na daw ang nasabing couple.

Kahit sa maikling panahon ng kanilang pagsasama, nabiyayaan naman ang dalawa ng kanilang sariling anak at ito nga ay si Elias Modesto. Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ang ikatlong kaarawan ng anak nilang si Elias Modesto.


Kahit opisyal nang ipinakilala sa publiko si Elias Modesto bilang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, madami pa rin ang nacu-curious sa nagdaang taon sa buhay ng mag-anak. Dahil nga sa pinili nilang maging pribado sa mga nakaraang taon, ilang netizens ang nagtatanong at umuusisa pa rin sa kanilang mga pinagdaanan.

Isa na nga dito ang isa sa mga fans ni Ellen Adarna na nagrequest sa kanya ng kanyang throwback picture ng kanyang pagbubuntis, na agad din namang pinaunlakan ng aktres.

Kamakailan lamang ay nag-upload si Ellen Adarna ng kanyang mga baby bumps noong ipinagbubuntis pa lamang nya si Elias Modesto.

Ellen Adarna, walang pag-aalinlangan na ibinahagi ang kanyang itsura noong nagdadalang tao pa sa kanilang anak ni Lloydie

Kumasa si Ellen Adarna sa hamon ng netizen na ipakita niya ang mga litrato niya noong buntis pa lamang siya.
Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi nga ng aktres ang kanyang mga preggy photos.
Bahagi ito ng sagot niya sa Quesion and Answer session niya sa kanyang mga followers.
“Can you post katong preggy paka?” tanong ng isang follower ng aktres.
“Whale whale whale… What do we have here?” caption ni Ellen sa isa niyang litrato.

Makikita sa mga litrato na naksuot si Ellen ng dress na gray at malaki na ang kanyang tiyan.

Sa sumunod na litrato naman ay nakasuot siya ng black leggings at cardigans.

Ito ang unang beses na nagbahagi si Ellen ng kanyang preggy photos in public.

Kung matatandaan ay itinago ni Ellen at John Lloyd Cruz noon sa publiko ang kanilang pagsasama.

Maging ang pagbubuntis noon ng aktres ay inilihim nila sa madala kahit marami ng nakakita sa kanila.

Naging habulin pa nga sila noon ng paparazzi dahil nais ng marami na malaman ang tunay na estado nila.

Ito ay dahil sa biglaang showbiz hiatus noon ni John Lloyd matapos kumalat ang video nila ni Ellen na lasing na lasing.

Naging magkarelasyon ang dalawa noong 2017 at taong 2019 naman na kinumpirma nila na hiwalay na sila.

Ngayon nga ay co-parenting ang status nila sa kanilang anak na si Elias Modesto.

Ibinahagi pa nga ni Ellen sa kanyang nakalipas na panayam na mabuting ama umano si John Lloyd sa kanilang anak.

“Si John Lloyd, present father. He wants to be present,” saad nito. Dagdag pa niya, “Elias]needs his father as much as he needs me.”
Sa ngayon ay engaged na si Ellen sa kanyang fiance na si Derek Ramsay.
The post Pinaunlakan Ni Ellen Adarna Ang Request Ng Kanyang Fan Na Ipakita Ang Baby Bump Noon. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments