Looking For Anything Specific?

Andi Eigenmann, Ibinenta Na Lahat Ng Kanyang Gamit, Mga Sasakyan At Iba Pang Luho

Wala ng ibang hinangad si Andi Eigenmann kung hindi ay mag enjoy sa kanyang simpleng pamumuhay ngayon.

Matapos ang ilang dekada na iwan ang pagiging artista, mas nalaman ni Andi ang totoong kahulugan ng pagiging kontento, simple at mamuhay ng masaya kahit hindi gaanoon kagara ang mga gamit at sa mismong bahay nito.

Sa isang interview kay Andi inilahad nito kung ano ang kanyang pamumuhay sa Baler Aurora.

Ayon pa sa aktres mas maganda ang kanyang buhay sa ngayon kaysa sya ay nasa loob pa ng showbiz.

“I dont know… I went like… I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didnt need.”

“I don’t own cars, I dont own any designer clothes, bags—lahat ng mga pang-artistang ‘yan, makeup. Lahat yan wala na.

“Kahit mga kasama sa bahay—yaya, driver—wala na lahat. Talagang simple life.”

Ayon pa kay Andi, mas stress free mamuhay na hindi gaano naka harap sa camera at walang ibang tao ang siyang nakikialam.

Tinanong naman ang aktres kung bakit ibinenta niya ang ilan sa mga mamahalin niyang gamit kaya nalamang ng mga bags, damit at pati mismong sasakyan nito at ibinenta niya rin.

“Because I felt that this was one of the reasons why or nag-contribute sa pagiging toxic ng buhay ko. I was young when I entered showbiz, and I feel like its normal for any teenager to feel lost.n Its just that I was lost in front of cameras, in front of everybodys eyes,” pagpapaliwanag pa ni Andi.

“But as I grew older, I became more mature enough to figure out what I want for myself. Na-realize ko, itong mga bagay na to, kaya siguro ako sobrang hindi naging masaya, kasi its not who I am.

“So when I let it go, and once I let it go, I found genuine happiness.

Dagdag pa ng aktres, “As much as my life is probably not as extravagant—nothing close to my life before—I couldnt be any happier.”

Ano nga ba ang naiwan na mga gamit niya sa Manila?

“Yung furniture ko lang, yung gamit ko sa bahay. Yung mga hindi, siguro… yung hindi magagara. Like puro mga sapatos ko ngayon parang puro sneakers and rubber shoes na lang, pantalon, T-shirt, bathing suit.” ani niya.

Simpleng pamumuhay man ang kanyang hinaharap sa ngayon kasama ang tatlo nitong anak, masaya at kontento naman ang aktres sa kung ano ang meron sa kanya.

Ayon pa sa aktres, ang pagkakaroon ng simpleng bagay at malayo sa magarang gamit at sikat na mga tao mas nakaka gana mamuhay kapag simple lang at di gaano nakukuha ang mga magagarang gamit.

Mas nalaman nito Andi na sa simpleng pamumuhay mas malalaman mo kung ano nga ba talaga ang siyang importante at hindi importante habang ang tao ay tumatanda sa buhay.

Napakasimpleng Bahay Ni Andi Eigenmann Sa Siargao Na Gawa Sa Cogon, Ipinasilip

Katulad ng ibang mga personalidad, pinasok na din ng aktres na si Andi Eigenmann ang mundo ng YouTube vlogging para ipakita din sa kaniyang mga tagahanga at followers ang kaniyang simpleng buhay kasama ang pamilya sa probinsya.

Sa kaniyang mga video, makikita ang simple at kuntentong buhay na mayroon si Andi sa Siargao kasama ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na nilisan ni Andi ang showbiz limelight para sa isang simple ngunit masayang buhay sa Siargao.

Ipinatayo din ng aktres ang kaniyang dream house sa nasabing probinsya.

Sa nagdaang apat na taon, mapapansin natin na talagang masayang masaya na ang dating ‘Agua Bendita’ aktres sa buhay na mayroon siya ngayon. Siya ay mayroon ng tatlong anak, mga negosyo, at nagagawa ang mga bagay na malapit sa kaniyang puso nang hindi na iniisip ang maaaring sabihin ng ibang tao sa kaniya.

Makikita naman sa mga video at larawan ni Andi na siya ay masaya at kuntento na sa kaniyang simpleng buhay na malayo sa showbiz limelight.

At kamakailan lamang nga ay natapos na din ang konstruksyon ng kaniyang dream house.

Ibinahagi ng Duardez 3D Rendering Services sa kaniyang Facebook page ang larawan ng bagong renovate na bahay ni Andi sa Siargao.

Ngunit, ang pumukaw sa atensyon ng maraming netizens ay ang desisyon ni Andi na huwag tanggalin ang cogon-made roof na disenyo ng kaniyang bahay, katulad ng isang bahay kubo. Nais kasing ipinatili ni Andi ang tradisyunal na Filipino look sa kanilang bahay.

Sa isinagawang research, napag-alaman na ang Duardex 3D Rendering Services pala ay siya ding tumutulong sa maraming mga establisyemento at kabahayan sa Bohol, Siargao at iba pang mga kalapit isla.

Hindi din madaling proseso ang paggawa ng bubong na yari sa cogon. Ito ay kinakailangan pa ng pagbibilad ng mga halaman katulad ng sedge, sanga ng pawid, rushes, straw, heather, at tambo. Sa Pilipinas, ang cogon grass ay matatagpuan sa mga probinsya sa bansa.

The post Andi Eigenmann, Ibinenta Na Lahat Ng Kanyang Gamit, Mga Sasakyan At Iba Pang Luho appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments