Looking For Anything Specific?

Caught on Cam: Rendon Labador at Kiko Matos, Nag-Rambulan sa Loob ng Court!

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ni Kiko Matos at Rendon Labador na nagkainitan sa “Battle of the Youtubers.” Sa isang maikling clip, matutunghayan na nagkaroon ng one-on-one basketball match sa pagitan ng MMA fighter na si Kiko at ng fitness coach na si Rendon. Ngunit hindi nagtagal ay humantong ito sa pisikalan.

Sa video, makikita kung paano nagkainitan ang dalawa sa loob ng court. Habang bumubwelo upang maka-shoot si Kiko, bigla na lamang niyang binalya si Rendon, na rumesbak naman sa pamamagitan ng pagsalag sa ulo niya. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang sinugod ni Kiko si Rendon at muntik pa siyang matumba.

Napunit pa ang damit ni Rendon matapos itong hatakin ng MMA fighter. Panandalian lamang silang nagkabanggaan, ngunit kita sa body language ng dalawa na maaari pa itong lumala. Upang hindi na lumala pa ang pangyayari, agad naman silang inawat ng mga referee at ng kanilang mga ka-teammates.

Matatandaang noong July 4 nang magkainitan ang dalawa na humantong pa sa pisikalan. Sa isang video, makikitang namamaalam na si Rendon Labador sa kanyang team sa “Battle of the Youtubers,” ngunit habang nagsasalita ito ay bigla na lamang sumigaw si Kiko ng “Bobo ka!”

Noong una, hindi ito pinansin ni Rendon at patuloy lang ito sa pagsasalita. Ngunit nang hindi na ito makapagpigil ay bigla na lamang sinuntok nito si Kiko. Nagbanta naman ang MMA fighter na kakasuhan niya si Rendon, ngunit rumesbak ito sa video at nagsabing hindi siya papayag na basta na lamang siya bastusin ni Kiko.

“Hindi lahat ng influencer pwede mong gayahin. Huwag mo akong igaya sa mga binabata-bata mong influencer. Kung gusto mong magdemanda, magdemanda ka. Hindi mo ako pwedeng bastusin sa personal. Hindi kita kilala. Hinayaan lang kita sa social media, ganun talaga eh. Pero sa personal, hindi lahat ng tao kaya mong bastusin.”

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Kilalanin ang babaeng nagpapatibok sa puso ngayon ni Mariano na umani ng samut-saring komento

Hindi sukatan ang itsura ng tao pagdating sa pag-ibig.

May kasabihan tayong love is blind, tipong hindi naman lahat ay nagmamahal dahil sa itsurang pisikal.

At yan ang pinatunayan ng sikat na couple vlogger na sina Mariano at Cindy.

Si Mariano Lingay ay unang nakilala nang ipamalas niya ang kanyang talento sa pag-awit.

Isa siyang katutubong aeta na nadiskubre dahil sa husay niya sa pagkanta, siya ay nakatira sa arcos Village Pampanga.

Walong taon pa lamang daw siya nang magsimula siyang kumanta.

At ito ang ginawa niyang hanapbuhay upang makatulong siya sa kanyang pamilya.

Hanggang sa unti-unti na siyang nakilala sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga vlogs.

Kamakailan nga lang ay pumukaw sa maraming netizens ang video niya kasama ang isang napakagandang babae.

Nakilala itong si Cindy na kasintahan pala niya. Binansagan silang team MarDy.

Marami ang kanilang tagahanga dahil sa ganda ng kanilang chemistry.

Noong una ay sinasabi ng marami na scripted lamang ang pinapakita ng dalawa.

Ngunit nagdaan ang araw na makikitang mas lalong tumindi ang kanilang paglalambingan.

 

Kamakailan nga lang ay nag-viral ang kanilang first kiss kung saan kinakiligan ito ng napakarami nilang fans.

 

Ang video ng kanilang first kiss ay talaga namang umani ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“mukhang malaki talent fee ni ate gurl hahaha”

“Pangarap ko na maging si mariano”

“Ok lng yn scripted man o. Hindi buhay nla yan”

“nakakakilig love is blind nga talaga”

“Team MarDy for the win, love wins”

Ilang mga video pa nga nila ang nagpatunay na totoo ang kanilang pagmamahalan.

Kabilang na dito ang kanilang mga TikTok videos

Sina Mariano at Cindy ang nagpapatunay na hindi makikita sa itsura ang tunay na pagmamahal.

The post Caught on Cam: Rendon Labador at Kiko Matos, Nag-Rambulan sa Loob ng Court! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments