
Todo suporta si Enrique Gil sa kasintahang si Liza Soberano sakaling sumali ito sa Miss Universe.

Kasama sina Enrique Gil at Liza Soberano sa mga hurado sa nakaraang Binibining Pilipinas 2021.
Nitong Linggo, July 11, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum. Sinamahan ang dalawa ng kanilang manager na si Ogie Diaz.

For the nth time ay muling tinanong ni Ogie si Liza kung may planong sumali sa beauty pageant lalo’t pangarap ng ama nito na maging beauty queen ang anak.

Natawa lamang ang dalaga at sinabing wala talaga siyang balak sumali sa mga beauty pageants.

Ngunit kung ang nobyo nitong si Enrique ang tatanungin ay nais din niyang sumali ang aktres sa nasabing patimpalak.

Habang nasa entablado nga raw ang mga contestants ay feeling niya, naroon din si Liza.
“Nakikita ko nga (Liza), ‘anong number mo nga ulit Baby? Number ano ka ba diyan?” tanong ni Enrique sa aktres.
Dagdag pa ng binata, “Sabi ko sa kanya (Liza), ikaw talaga ang Binibini ko.”

Kaso ayaw talagang sumali ng aktres sa nasabing beauty contest. “Ayaw nga, eh,” tugon ng boyfriend ng dalaga. “Okay na ‘yun sige, baka Miss Universe (sasalihan Binibining Pilipinas Universe). Baka Miss Universe next year. Hindi joke lang!”

“Ano ba B (tawag niya sa dalaga)? Miss Universe? Feeling ko mananalo ‘yan pag sumali! Naku, wala ng competition, wala na,” tumatawang sabi ni Enrique.

Sundot din ni Ogie, hindi talaga feel ni Liza ang mga beauty contests dahil kung sadyang gusto nito, eh, di sana, noon pa.

“Hindi talaga siya sasali, wala sa kamalayan niya, natutuwa si Liza na siya’y itinutulak (sumali) pero hindi nga para sa kanya ‘yun.”

Panoorin dito ang kanilang video:
Dating PBB Housemate na si Kisses Delavin bali-balitang papasok ng Miss Universe Philippines
Pinoy Big Brother alumna na si Kisses Delavin sasabak na din sa Miss Universe Philippines.
Madami agad reaction na lumabas sa balitang sasali si Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2021-2022.
May mga fan na tuwang-tuwa, dahil bago pa naman daw naging artista si Kisses o bago sumali sa Pinoy Big Brother, kasabay ni Maymay Entrata, ay beauty queen na talaga ito sa kanilang probinsiya.

Kaya ngayong matunog ang balita na sasabak ito sa Miss U PH, suportado nila ito mula simula hanggang dulo.

At saka, taglay-taglay nga raw ni Kisses ang ugali ng mga beauty queen, na may mga adbokasiya. Si Kisses nga raw, sa sariling paraan ay tumutulong sa mga kapuspalad.

Ang balitang ito ay unang ibinahagi ng Philippine Pageants Official thru social media post.

Saad nito, “She’s ready to conquer the UNIVERSE! CONFIRMED! Kisses Delavin will join Miss Universe Philippines 2021”
Agad namang umani ng maraming reaksyon ang nasabing post mula sa maraming netizens.


Narito ang ilan sa kanilang komento:
“I dont hate her pero wala siyang aura na pang beauty queen, cute lang siya pero hindi pang beauty queen yung ganda at height.Tsaka iyakin yan baka umiyak pag natalo.”
“she’s more suitable in Miss International very sweet kasi yung aura nya”
“For me, pang Miss International s’ya. Her angelic face and the way she presents herself, pang MI talaga.”
“Good to hear that. Pero di sya pang MUP Material honestly speaking.”
Unang nakilala si Kisses ng maging housemate siya sa pamosong bahay ni Kuya.
Nang siya ay ma-evict nag-umpisa na ang kanyang career sa ABS-CBN at kalaunan ay lumipat din siya sa Kapuso network.
The post Enrique Gil, lakas loob na sinabing malaki ang potensyal ni Liza Soberano manalo sa Miss Universe appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments