Looking For Anything Specific?

Anak na lalaki ni Cherie Gil, umagaw ng atensyon ngayon sa mga netizens dahil sa mala-Hollywood nitong kagwapuhan

Bunsong anak ng beteranang aktres na si Cherie Gil agaw atensyon ngayon sa social media.

Kilala si Cherie Gil na isa sa mayroong pinakamagandang pamilya sa industriya. Sa edad na 57 ay relax na ang buhay ng aktres.

Sapagkat parehong stable at may sariling buhay na ang kaniyang tatlong anak sa ibang bansa.

Ang kanyang panganay na si Jay Eigenmann ay isa ng engineer sa New York City.

Ang nag-iisang anak na babae ni Cherie Gil ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Fine Arts in Drama sa New York at nagsimulang mag-aral ng musical theatre workshop upang mas maging bihasa sa kaniyang karera.

At ang pinaka naka-agaw naman ng atensyon ng maraming netizens ay ang bunsong anak ni Cherie Gil.

Ito ay si  Raphael Rogoff.

 

Si Raphael ay kasalukuyang nag-aaral ng Global Liberal Studies sa New York University, isang sikat na eskwelahan sa bansang ito.

Nakilala rin si Raphael sa media sapagkat agaw-pansin ang kaniyang physical looks dahil mala-artistahin ito at tila parang hollywood actor sa gwapo.

Nasa edad 23 taong gulang pa lamang si Raphael pero independent na ito.

 

Namumuhay na itong mag-isa kahit malayo sa kanyang mga magulang.

 

Isang bagay na kung saan madalas lubos ikinababahala ng aktres sapagkat malayo ang kaniyang mga anak.

Tila supportive mom kasi ang aktres at madalas niyang binibisita sa New York ang mga bata para makabonding sa tuwing wala itong trabaho sa Pilipinas.

Sharon Cuneta, ipinakilala sa mga netizens ang isa pang ‘anak’ na nasa US: “Napakagwapo, iyan ang lahi namin”

Proud na proud si Megastar Sharon Cuneta nang ipakilala niya ang kanyang anak na lalaki na naninirahan sa US.

Sa tagal nang nasa industriya ng showbiz si Sharon Cuneta, halos lahat sa kaniyang pagkatao at pamumuhay ay alam na ng masa.

Kung tutuusin ay wala nang maitatago ang tinaguriang Mega Star na si Sharon.

Ngunit nitong nakaraan lamang nang ginulat muli niya ang mga netizens sa isang pagbubulgar.

Ukol sa isa pa niyang anak na kailan man ay hindi niya isina- publiko.

Kaya naman sa kanyang latest vlog update sa YouTube ay ipinakilala na ni Sharon ang tinutukoy niyang “son”.

Ito ay si Curtis, na isang sundalo at miyembro ng US Army.

Sa ngayon ay nasa Las Vegas ang Megastar upang magbakasyon kasama ang ilang kapamilya at malalapit na kaibigan.

Sa kanyang vlog, ipinakilala ni Mega si Curtis, ito ay ang kanyang pamangkin na tinuring na niyang anak.

Itinuturing din niyang “pride and joy” ang pamangkin at sana raw ay naging tunay na anak na lang niya ang sundalo.

“I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like tatay, my dad,” saad ni Sharon.

Aniya kulang na lamang daw na siya ang maglabas kay Curtis, proud na proud pang sambit ni Mega, “napakaguwapo. Iyan ang lahi namin!”

Kuwento ni Curtis, miyembro siya ng US Army at isa sa mga sniper section leader. Hirit naman ni Mega, mukhang namana sa kanya ng kanyang pamangkin ang pagiging sharp shooter.

“I don’t just fire and fire and fire like some people. I actually aim!” sey ni Sharon na sinang-ayunan naman ni Curtis.

Sa nasabing vlog ay nakipag reunion din si Sharon sa aktres na si Beth Tamayo na naninirahan na din sa U.S.

The post Anak na lalaki ni Cherie Gil, umagaw ng atensyon ngayon sa mga netizens dahil sa mala-Hollywood nitong kagwapuhan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments