Talagang busy na ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz para sa kanyang television comeback. Mahigit tatlong taon na rin simula nang lumabas si John Lloyd sa mainstream media, kaya naman maraming fans ang nag-aabang sa kanyang upcoming project. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang busy sched ay hindi ito nawawalan ng oras upang mag-unwind.
Kamakailan lang, namataan na nagbakasyon si John Lloyd sa kanyang rest house sa Batangas. Inimbita niya rin ang kanyang mga kaibigan sa showbiz, ngunit tila naging agaw pansin ang isa sa mga nakasama ni John Lloyd. Ito ay walang iba kundi ang dating sexy actress na si Katrina Halili.


Sa mga larawan na kumalat sa social media, makikitang madalas na magkasama si John Lloyd at Katrina. Sa isang photo, makikita rin na tila ba tumatawa si Katrina, senyales na mukhang nag-eenjoy sila ni John Lloyd sa kanilang pag-uusap. Dahil dito, napaisip ang mga fans kung may namamagitan nga ba sa kanilang dalawa.
May mga netizens na napatanong kung si Katrina na nga ba ang susunod na babaeng magpapatibok sa puso ni John Lloyd matapos ang relasyon nito kay Ellen Adarna.
Ngunit ayon sa isang informant, walang anumang romantic na namamagitan sa dalawa. Nagkalapit lamang sila matapos tulungan ni Katrina si John Lloyd sa pagbili ng lupa sa Palawan.

“Dalawang malaking cut ng lote ang nabili ni John Lloyd kay Katrina, hindi ko alam kung ilang square meters pero sa tantiya ko, abot siguro ‘yun ng P20 million. Nagpatayo ng glass house sa itaas ng bundok sa El Nido si John Lloyd, malaki ang property niya ro’n. Patapos na ‘yung main house,” pahayag ng informant sa isang interview.
Sa kanyang quick getaway, nakasama rin ni John Lloyd ang iba niya pang malapit na kaibigan sa showbiz. Kabilang na sa kanila sina Maja Salvador, Mimi Juareza, Wilma Doesnt, at iba pa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
Bea Alonzo May Ibinunyag Tungkol Kay John Lloyd Cruz Noong “Mawalan Siya Ng Pera”
Bea Alonzo recalls one of her most unforgettable trip with her mom in Dubai, where they ran out of money due to overspending.
In her recent Youtube vlog, she recounted how her mom, Mary Ann Ronollo, lavished their budget in just one go.
“I was browsing through my old photos, travel photos, and I couldn’t help but miss traveling even more.
“I mean, parang nakaka-miss yung mga long flights na dine-dread natin before, di ba?
“I just miss meeting new people, being able to learn about different cultures, being able to try new cuisines.
“And I thought I should just do a video for you to share my past experiences, to share my past journeys. So I decided to create a video of my top 10 destinations.”
Added her, “The first time we ever went to Dubai, parang we had this show with The Champions pa at that time.
“I was really jet-lagged, I was really tired. So sabi ko kay mama, hindi na ako sasama dun sa Gold Souk. She went with the group.
“Ako, natulog lang ako sa hotel. At this point, wala pa akong credit card nito.
“When my mom arrived at the hotel, ang dami na niyang dalang alahas. Sabi niya, ‘Anak, isukat mo ito,’ ganyan-ganyan.
“And then meron din siya for my brother, for my lola… So nagtanong ako, ‘Asan na yung talent fee, Ma?’ Nagastos niya na lahat sa Gold Souk.”
Luckily for the actress, there was a person who she can easily go to for help, John Lloyd Cruz.
“So sa buong five days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera. As in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals, ganyan.
“Binayaran naman namin siya pagdating sa Manila, so that’s what happened.”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
John Lloyd Cruz, Ipinakita Sa Madla ang Napakaeleganteng French-Mediterranean Nitong Bahay
Bawat isa sa atin ay inaasam na magkaroon ng sariling bahay balang araw. Ito na marahil ang madalas na isa sa mga goals ng karamihan sa atin sa oras na makaipon ng sapat na pera. May sari-sariling disenyo at taste ang bawat isa sa atin sa pagpapaganda ng ating mga bahay. Ang iba naman ay nagpaplano pa bagamat wala pang sapat na pondo upang makapagpatayo ng bahay.
Nararapat lamang natin tandaan na kumuha ng mga eksperto sa pagbuo ng bahay tulad ng mga arkitekto, inhinyero at interior designer upang masigurong ligtas ang istruktura ng bahay. Tiyak na mas sulit ang pagpapagawa ng bahay kung sigurado tayong itinayo ito ng mga eksperto.

Maraming artista at personalidad sa bansa ang kumukuha ng mga eksperto sa tuwing nagpapagawa ng bahay. Ito ay upang maging maganda, ligtas at komportable ang bahay natin. Tulad na lamang ng bonggang bahay na pagmamayari at ibinahagi ni John Lloyd Cruz sa social media.

French-Mediterranean ang disenyo ng bahay ng sikat na actor. Sa labas ay makikita ang malawak na entrada na bubungad sa mga bisita. Mayroon rin mga outdoor lighting na swak na swak sa tema ng disenyong napili. Ang bahay ni John Lloyd ay makikita sa Antipolo City at may 1,100 na metro ang lawak. Binuo ito ng mga propesyonal na si Roland Andres at Danny Lucas.

Pagbabahagi ng actor ay, ““Kung ano man ‘yong makikita niyo dito – laman ng bahay, ‘yong dating bahay sa akin talaga, number one kung kinonsider yung comfort.”

Mayroong swimming pool at outdoor seating na maaaring pagdausan ng birthday parties at iba pang events na nanaisin ni John Lloyd. Isang mini pond naman na tinitirahan ng maraming Koi fish ang makikita sa bakuran ng bahay. Mahilig umano si John Lloyd at ang pamilya nito sa mga Koi Fish.

Isang malawak na espasyo at hagdanan ang bubungad sa pagpasok sa bahay. Isa sa mga key furnitures sa bahay ni John Lloyd ay ang malaking orasan sa sala na ibinigay umano ni Arte Espanol. Ang hapagkainan naman ay kayang magaccommodate ng sampung katao at ang dining set ay nabili sa Linea Furniture.

Mapapansin na maaliwalas na disenyo ng mala-palasyong bahay ni John Lloyd at ito ang isa sa pinakaproud na naipundar ng actor.
The post John Lloyd Cruz at Katrina Halili, Huling Nagba-Bonding sa Rest House ng Aktor sa Batangas appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed


0 Comments