Hot topic ngayon sa social media ang pagpirma ng kontrata ni Bea Alonzo sa GMA Network ngayong araw.
Bumuhos nga ang mainit na pagtanggap ng mga Kapuso Artist kay Bea Alonzo.
Bukod sa mga kapwa Kapuso stars at fans, isang espesyal na tao sa buhay ni Bea ang nagbigay ng pagbati sa bagong yugto ng kanyang showbiz career

Walang iba kundi ang kanyang constant onscreen partner na si John Lloyd Cruz.

Alam naman ng lahat na isa sa pinaka sikat na naging tambalan noon ay sina John Lloyd at Bea.

Pumatok sa mga manonood ang kanilang love team lalong lalo na ang pelikula nilang “One More Chance.”

Kung saan nakilala sila bilang sina Popoy at Basha, ang karakter na tumatak talaga sa isip ng kanilang mga fans.

Kaya naman sa paglipat ni Bea Alonzo sa istasyon ng GMA 7 isa si John Lloyd sa tila natuwa sa kanyang naging desisyon.

Kung matatandaan nakaraan lamang ay sa GMA Network din unang lumabas si John Lloyd para sa kanyang showbiz comeback.

Sa Instagram Story ni GMA Films president Annette Gozon-Valdes, ibinahagi niya ang larawan nila ni Bea, habang ka-video call sina John Lloyd at director Bobot Mortiz.
Sa naturang post, sinulat ni Ms. Annette, “Someone dropped by to say Hi!”
Sa hiwalay na video, ipinakita naman ang isang clip ng pakikipag-usap ni Bea kay John Lloyd.
Tanong ni Bea sa kanyang matagal nang ka-love team, “Makikita ba kita dito?”
Pabirong hirit naman ni Ms. Annette, “Hilahin mo na.”
Sagot naman ni Bea, na aktong may pag-abot ng kamay, “‘Lika na.”
Kaya naman excited na ang fans nina Bea at John Lloyd. Anila mukhang matutuloy na ang reunion nila Popoy at Basha.
John Lloyd Cruz, Ipinakita Sa Madla ang Napakaeleganteng French-Mediterranean Nitong Bahay
Bawat isa sa atin ay inaasam na magkaroon ng sariling bahay balang araw. Ito na marahil ang madalas na isa sa mga goals ng karamihan sa atin sa oras na makaipon ng sapat na pera. May sari-sariling disenyo at taste ang bawat isa sa atin sa pagpapaganda ng ating mga bahay. Ang iba naman ay nagpaplano pa bagamat wala pang sapat na pondo upang makapagpatayo ng bahay.
Nararapat lamang natin tandaan na kumuha ng mga eksperto sa pagbuo ng bahay tulad ng mga arkitekto, inhinyero at interior designer upang masigurong ligtas ang istruktura ng bahay. Tiyak na mas sulit ang pagpapagawa ng bahay kung sigurado tayong itinayo ito ng mga eksperto.

Maraming artista at personalidad sa bansa ang kumukuha ng mga eksperto sa tuwing nagpapagawa ng bahay. Ito ay upang maging maganda, ligtas at komportable ang bahay natin. Tulad na lamang ng bonggang bahay na pagmamayari at ibinahagi ni John Lloyd Cruz sa social media.

French-Mediterranean ang disenyo ng bahay ng sikat na actor. Sa labas ay makikita ang malawak na entrada na bubungad sa mga bisita. Mayroon rin mga outdoor lighting na swak na swak sa tema ng disenyong napili. Ang bahay ni John Lloyd ay makikita sa Antipolo City at may 1,100 na metro ang lawak. Binuo ito ng mga propesyonal na si Roland Andres at Danny Lucas.

Pagbabahagi ng actor ay, ““Kung ano man ‘yong makikita niyo dito – laman ng bahay, ‘yong dating bahay sa akin talaga, number one kung kinonsider yung comfort.”

Mayroong swimming pool at outdoor seating na maaaring pagdausan ng birthday parties at iba pang events na nanaisin ni John Lloyd. Isang mini pond naman na tinitirahan ng maraming Koi fish ang makikita sa bakuran ng bahay. Mahilig umano si John Lloyd at ang pamilya nito sa mga Koi Fish.

Isang malawak na espasyo at hagdanan ang bubungad sa pagpasok sa bahay. Isa sa mga key furnitures sa bahay ni John Lloyd ay ang malaking orasan sa sala na ibinigay umano ni Arte Espanol. Ang hapagkainan naman ay kayang magaccommodate ng sampung katao at ang dining set ay nabili sa Linea Furniture.

Mapapansin na maaliwalas na disenyo ng mala-palasyong bahay ni John Lloyd at ito ang isa sa pinakaproud na naipundar ng actor.
The post John Lloyd Cruz, masayang binati si Bea Alonzo dahil sa naging desisyon nitong paglipat sa GMA Network appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed




0 Comments