Patuloy sa pagbibigay kilig ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin.
Kamakailan nga ay sinimulan na nila Coco at Julia ang taping ng kanilang movie comeback sa Pola, Oriental Mindoro.
Kaya naman nagsulputan na ang mga litrato at videos ng dalawang matagal ng nali-link na in a relationship na.
Sa Instagram ng kanilang fan account ay ilang litrato na kuha sa set ng kanilang pelikula ang ibinahagi.

Kung saan makikitang napaka-sweet talaga nina Coco at Julia sa isa’t-isa.
May kuha din na binansagan pa ang dalawa na “rooftop lovers” dahil nasa rooftop na magkatabing nakaupo ang dalawa.
At sa mga bagong larawan at video na ibinahagi ng kanilang mga fans ay lalo kinilig ang CocoJuls fandom.

Ito ay dahil sweet na sweet ang dalawa habang angkas ni Coco si Julia sa ATV at enjoy na enjoy sila sa pamamasyal.
May mga kuha pa na kapit na kapit si Julia sa bewang ni Coco na talaga namang kinagiliwan ng kanilang mga tagahanga.

At tila terno pa ang suot na sumbrelo ng dalawa, saad na ng ilan ay lantaran na talaga ang dalawa. Dahil patuloy sila sa pagbibigay kilig.


As we all know ay matagal nang nali-link sina Julia at Coco at hanggang ngayon ay wala pang official na pag-amin ang dalawa.
Coco Martin at Julia Montes, nagsimula na ang 1st day shooting para sa kanilang comeback movie sa Pola, Oriental Mindoro
Makalipas ang pitong taon, muling magsasama sa isang proyekto ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes.
Nagsimula na umano ang first day of shooting nina Coco at Julia para sa kanilang movie comeback.
At ito ay ginanap sa Pola, Oriental Mindoro. Ito ay ayon na din sa social media post ng incumbent mayor ng nasabing bayan.

Sa kanyang Facebook post ay inilahad nito na sa maliit na baryo ng Pola gagawin ang shooting nina Coco at Julia.

“With Coco Martin and Julia Montes location familiarization. thanks Direk Brillante Mendoza and Direk Bing… shooting sa Pola. I love Pola…” saad nito sa kanyang post kalakip ang mga litrato kasama sina Coco at Julia.
Ayon naman sa interview ni Mayor, ang magaling na direktor na si Brillante Mendoza ang magdidirek ng pelikula.

Dalawang linggo diumano ang itatagal ng nasabing shooting sa Pola.

“Merong gagawin isang MALAKING PELIKULA sa Pola for 2weeks no? Sampung malalaking artista: itago natin sa mga pangalang COCO MARTIN, JULIA MONTES at RAYMART SANTIAGO,” saad nito.


Dagdaga pa niya, “Itago natin kasi nakakahiya baka malaman nila. Pero proud ako na gagawin ito sa Pola at isa tayo sa napasama sa movie. Ang direktor nito ay si BRILLANTE MENDOZA, isang napakagaling na direktor.”

Proud na proud diumano ang mga Polenio na doon gagawin ang shooting.

Aniya kahit maliit na bayan lang sa Oriental Mindoro ang Pola ay nakikilala na ito sa film making.
Marami naman sa fans ng CocoJuls ang nagpahayag ng kanilang exitement sa upcoming movie ng kanilang mga idolo.


May ilan namang nagsabi na kaya pala laging nakikita na ang dalawa na magkasama in public ay dahil sa proyektong ito.
The post Julia Montes, kinagiligan ng makitang mahigpit ang pagkakayakap kay Coco Martin habang namamasyal sa Oriental Mindoro appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments