Looking For Anything Specific?

Kisses Delavin, ibinahagi ang ilang larawan ng kanyang paghahanda ngayon sa Miss Universe Philippines

Mukhang handang handa na ang dating housemate ni Kuya na si Kisses Delavin sa pagrampa for Miss Universe Philippines.

Sa Instagram post ni Kisses, nagpatikim ang ‘Pinoy Big Brother’ alumna sa kanyang pagrampa at pag-ikot.

Bahagi ng kanyang post: “Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines!”

“Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!”

Saad ni Kisses, muli niyang mae-experience na magsuot ng heels at magagandang dress dahil sa naturang beauty pageant.

“I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines!” ayon sa aktres.

Nagpasalamat din si Kisses sa kanyang mga tagasuporta at pageant fan.

“Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta! Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!” saad ng Kapuso actress.

Kalakip nito ang video kung saan makikita ang kanyang pagrampa. At pati na din ang ilang larawan tungkol sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

 

Hindi na bago kay Kisses ang pagsabak sa beauty pageants.

Itinanghal siyang Miss Teen Masbate noong 2013 at Miss Kaogma noong 2016.

Marami ang nagulat sa announcement na sasali si Kisses sa Miss Universe Philippines 2021 dahil tahimik lamang siya tungkol dito.

Pansamantala rin munang nagpahinga si Kisses sa showbiz dahil sa pandemya at umuwi siya sa Masbate.

Noong Lunes, July 19, ay isa nga si Kisses sa kumpirmadong napasama sa listahan ng top 100 list na kandidata for Miss Universe Philippines 2021.

Bukod kay Kisses, sali din sa Miss Universe Philippines ang dating ‘Asia’s Next Top Model’ winner na si Maureen Wroblewitz

Dating PBB Housemate na si Kisses Delavin bali-balitang papasok ng Miss Universe Philippines

Pinoy Big Brother alumna na si Kisses Delavin sasabak na din sa Miss Universe Philippines.

Madami agad reaction na lumabas sa balitang sasali si Kisses Delavin sa Miss Universe  Philippines 2021-2022.

May mga fan na tuwang-tuwa, dahil bago pa naman daw naging artista si Kisses o bago sumali sa Pinoy Big Brother, kasabay ni Maymay Entrata, ay beauty queen na talaga ito sa kanilang probinsiya.

Kaya ngayong matunog ang balita na sasabak ito sa Miss U PH, suportado nila ito mula simula hanggang dulo.

At saka, taglay-taglay nga raw ni Kisses ang ugali ng mga beauty queen, na may mga adbokasiya. Si Kisses nga raw, sa sariling paraan ay tumutulong sa mga kapuspalad.

Ang balitang ito ay unang ibinahagi ng Philippine Pageants Official thru social media post.

Saad nito, “She’s ready to conquer the UNIVERSE! CONFIRMED! Kisses Delavin will join Miss Universe Philippines 2021”

 

Agad namang umani ng maraming reaksyon ang nasabing post mula sa maraming netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

 “I dont hate her pero wala siyang aura na pang beauty queen, cute lang siya pero hindi pang beauty queen yung ganda at height.Tsaka iyakin yan baka umiyak pag natalo.”

“she’s more suitable in Miss International very sweet kasi yung aura nya”

“For me, pang Miss International s’ya. Her angelic face and the way she presents herself, pang MI talaga.”

“Good to hear that. Pero di sya pang MUP Material honestly speaking.”

Unang nakilala si Kisses ng maging housemate siya sa pamosong bahay ni Kuya.

Nang siya ay ma-evict nag-umpisa na ang kanyang career sa ABS-CBN at kalaunan ay lumipat din siya sa Kapuso network.

 

The post Kisses Delavin, ibinahagi ang ilang larawan ng kanyang paghahanda ngayon sa Miss Universe Philippines appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments