Looking For Anything Specific?

Scottie Thompson, Flinex Sa Unang Pagkakataon Ang Misis Na Si Jinkee Serano-Thompson

Tila handa ng isapubliko ni Scottie Thompson ang relasyon nila ng kaniyang asawa na si Jinky Serrano.

Mula noong lumabas ang balita tungkol sa kanilang kasal, ipinakita na ni Scottie sa kauna-unahang pagkakataon ang kaniyang misis sa kaniyang Instagram story.

Sa video na naka-upload sa IG story ng professional basketball player, makikita si Jinky na naghihiwa ng steak. Tinawag pa nga ito ni Scottie ng love para makuha ang pansin nito at tumingin naman ito sa camera.

Matatandaan na naging malaking kontrobersiya sa social media ang pag-iisang dibdib nina Scottie at Jinky kamakailan lamang. Karamihan ay hindi makapaniwalay dahil inaasahan ng marami na ito ay ikakasal sa kaniyang longtime girlfriend na Pau Fajardo matapos ang kaniyang proposal sa huli nitong Enero lamang ngayong taon.

Dahil sa nangyari, nakatanggap ng kaliwat kanang batikos si Scottie mula sa mga netizens. Gayunpaman, nagbigay naman na ng saloobin sina Scottie at Pau tungkol sa isyu at nilinaw ang lahat tungkol sa kanilang naging hiwalayan.

Si Earl Scottie Carreon Thompson o mas kilala bilang Scottie Thompson ay isa sa mga kilalang basketball player sa Pilipinas na naglalaro para sa Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association.

Elementarya pa lamang ay nahilig na si Scottie sa paglalaroo ng basketball. Ang pagkahilig niya sa naturang laro ay nagtuloy tulog kung saan siya ay naging bahagi ng Palarong Pambansa bilang kinatawan ng Region IX noong siya ay nasa High School. Siya ay napili din bilang isa sa mga magiging miyembro ng Nike Elite Camp.

Siya ay naglaro din sa University of Perpetual Help sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Sa kabila ng mga batikos na natanggap nina Scottie at Jinky sa kanilang pagpapakasal, nananatili naman silang masaya at may pagmamahal sa isat isa.

Sa kabilang banda, makikita naman na si Pau ay masaya na sa buhay na mayroon siya ngayon kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Pau Fajardo, hinangaan ng marami dahil imbis galit at puot ang pairalin nagpaubaya nalang sa kanyang long-time boyfriend na si Scottie Thompson

Nagsalita na si Pau Fajardo ukol sa kotrobersyal na pagtatapos ng relasyon nila ni Scottie Thompson.

Mainit pa rin ngang usapin sa social media ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Scottie Thompson, Pau Fajardo, at Jinky Serrano.

Naging mainit na usapin online ang biglaang pagpapakasal ni Thompson, ngunit hindi kay Fajardo na kanyang fiancee.

Matatandaan na halos walong taon ang naging relasyon ni Scottie at Pau Fajardo.

January 1 ngayong taon ay nagpropose na nga ang basketbolista kay Fajardo.

Ngunit ilang buwan lang ang lumipas binigla ni Thompson ang lahat ng Ginebra fans.

Ito ay nang kumalat ang litrato niya kasama si Jinky Serrano, ito ay ginanap sa Las Piñas nito unang linggo ng Hunyo.

Marami ang nakisimpatya kay Fajardo dahil sa nangyari. Marami din ang nagalit kay Thompson.

At sa kauna-unahang pagkakataon nga ay nagbigay na ng pahayag niya si Fajardo ukol dito.

Sa pamamagitan ng Instagram, isang mahabang mensahe ang ipinost ng dating fiancée ng professional basketball player para tuldukan na ang issue.

Inamin ng dalaga na nasaktan siya sa nangyari dahil inakala niyang natagpuan na niya ang kanyang forever matapos umabot sa walong taon ang kanilang pagsasama.

Aniya, ayaw na raw sana niyang magsalita pero kailangan daw niyang gawin ito para tuluyan nang maka-move on.

“It has been a difficult time for my personal life. With this statement, I hope we can finally put a stop to all the gossip, and for me to finally reclaim my private life,” panimula ni Fajardo.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga taong nadamay sa issue. Sa huli ay sinabi niyang ito na ang una’t huling pagsasalita niya tungkol sa issue.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

The post Scottie Thompson, Flinex Sa Unang Pagkakataon Ang Misis Na Si Jinkee Serano-Thompson appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments