Looking For Anything Specific?

Tunay na relasyon nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo hindi na maitatago sa publiko matapos magviral ang mga larawan na magkasama

Wala ng maitatago, Kiko Estrada kasama sa family bonding nina Heaven Peralejo.

Viral ngayon sa social media ang mga larawan ni Heaven kasama ang pamilya ng kanyang ama.

Naging usap-usapan ito dahil spotted na kasama niya dito ang rumored boyfriend na si Kiko Estrada.

 

Matatandaang naging usap-usapan ang paghihiwalay nina Kiko at ex-girlfriend niyang si Devon Seron at nadawit ang pangalan ni Heaven sa isyung ito.

Si Heaven diumano ang tinuturong dahilan sa paghihiwalay nina Kiko at Devon.

Pinabulaanan naman ito ni Heaven noon at sinabing katrabaho at kaibigan lamang ang turing niya kay Kiko.

 

Naging malapit silang magkaibigan ng magkasama sa teleseryeng “Bagong Umaga”.

Ngunit ng dahil sa kanilang mga larawan ay binalikan ng mga netizens ang naging issue nila noon.

Ibinahagi pa nga ng ila ang naging pahayag ni Heaven sa kanyang Instagram Stories noong March 12.

Kung saan mariin niyang tinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.

Ultimo ang pahayag noon ng kanyang ina ay kinwestyon din ng mga mapagmatyag na mga netizens.

Noong kasagsagan ng isyu, ipinagtanggol ng ina si Heaven laban sa bashers na nag-akusang ang anak niya ang dahilan sa hiwalayan nina Kiko at Devon.

Para naman sa ilang netizens, maaring nagkamabutihan na lamang ang dalawa matapos ang hiwalayan. Gayunpaman, hindi maiwasang mabatikos ang aktres lalo na mula sa mga tagahanga ng dating kasintahan ni Kiko.

Heaven Peralejo at Kiko Estrada, spotted na sweet na magka-holding hands sa airport

Huli pero hindi kulong!

Iyan ang reaksyon ng mga netizens sa kumakalat na litrato nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Unang lumabas ang litrato ng dalawang Kapamilya stars sa Facebook fan page ni Kiko.

Hindi man nakuhanang magkasama, halos pareho ang lahat ng makikita sa dalawang larawan na ipinost ng nasabing page, ang mesa, upuan, background, pati suot ng hotel staff.

Agad na pinutakte ng mga netizens ang nasabing post, may ilan pang binalikan ang mga pahayg noon ni Heaven.

Kung saan mariin niyang itinanggi na siya ang dahilan ng hiwalayan noon nina Kiko at Devon Seron.

Pati na din ang pahayag noon ng ina ni Heaven upang ipagtanggol siya sa mga bashers ay pinagkatuwaan ng mga netizens.

Samantala, ilang araw lang ang lumipas ay lumitaw na ang mga litrato nina Kiko at Heaven.

Na nagpapatunay na magkasama talaga ang dalawa sa Boracay.

Viral nga ngayon sa social media ang mga litratong kitang kita ang kanilang lambingan moments sa napakagandang isla.

May kuha pa na magkahawak kamay ang dalawa habang nasa airport.

Saad tuloy ng marami ay wala ng maitatanggi ngayon ang dalawa dahil kitang kita na ang ebidensya.

Kulang na lamang daw ay ang pag-amin ng dalawa kung in a relationship na ba talaga sila.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Idk why but I’m not convinced that they’re in a relationship. It’s more like going with the flow with publicity.”

“Di ko gets kung anong meron kay Heaven?!? Maputi lang naman sya. Ewan ko ba kung bakit ang dami guys goes crazy for her.”

“My impression of Heaven’s mom is strict & conservative. But seems like ok lang na solo out-of-town with Heaven. How old is she btw?”

Ikaw anong masasabi mo rito?

The post Tunay na relasyon nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo hindi na maitatago sa publiko matapos magviral ang mga larawan na magkasama appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments