Looking For Anything Specific?

Sen. Manny Pacquiao, Tinanggap ang Hamon ni Pres. Duterte: “Hindi Ako Sinungaling”

Nalalapit na ang Eleksyon 2022 at ang taumbayan ay mamimili muli ng karapat-dapat na maupo sa pwesto. Ang pipillin natin ay dapat ‘yung alam nating pamumunuan tayo ng maayos. Kanya-kanya naman ang marami sa atin kung sino ang pambato nila na mga politiko na nais nilang manalo. Kadalasan pa, ang marami sa atin ay nakikipag-debate pa kung sino ang mas magaling ng pinuno.

Isang paghahamon naman ang kasalukuyang nauulat ngayon sa pagitan ng ating pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Manny Pacquiao.

Hindi nagpatinag ang senador sa banat sa kanyang kaalayado na si Pres. Duterte. Kamakailan lamang ay hinamon ng Pangulo si Sen. Manny na sabihin ang mga sendaor na diumano’y kuråkot sa kasalukuyang administrasyon kaysa sa nagdaang pamumuno.

“Within one week, may gawin ako. Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming mas corrupt. Ilista mo ‘yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na ‘yan noon, at ibigay mo sa akin,” paghahamon ng Pangulo.

“‘Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that is a corruption, let me know. Give me the office. Ganoon ang dapat na ginawa mo. Wala ka namang sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin, tapos ngayon sabihin mo c0rrupt,”

“So I’m challenging him, ituro mo opisina na c0rrupt at ako na bahala within one week, may gawin ako. Maglista ka Pacquiao at sinasabi mo two times kaming c0rrupt, ilista mo yun mga tao at opisina na dapat inilista mo pa noon at ibigay mo sa akin,” dagdag niya pa.

Ayon naman sa sagot ng Senador ay ang mismong Pangulo pa ang nagsabi noon na mas dumami ang kurak0t sa panahon ngayon. Tinanggap naman ni Sen. Manny ang hamon ng Pangulo na pangalanan ang mga kurak0t na opisyal ng gobyerno.

“Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para kampanya kontra koråpsyon,” saad naman ng Senador.

“Mawalang galang po mahal na Pangulo, ngunit hindi ako sinungåling. May mga naging pagkakamåli ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungåling,”

“Magsimula tayo sa DOH. Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pand3mya?”

Duterte kay Willie Revillame: “Gusto ko sanang maging senador ka”

Isang video ang inilabas ngayong Hunyo 11 kung saan makikita ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “Wowowin” host na si Willie Revillame.

Nalaman na kinumusta ng pangulo si Willie na matagal na umano niyang hindi nakasasama.


Gayunpaman, sinabi nitong lagi pa rin niyang naiisip ang host na nais sana niyang tumakbo sa senado sa darating na Eleksyon sa 2022.
“Willie, si Mayor ‘to, kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka”

Ayon kay Duterte, nagdadalawang isip umano si Revillame ayon kay Bong Go.


Subalit iginiit ng pangullo na open ang naturang slot hanggang sa huling minuto na kailangan nang magdesisyon ni “Kuya Wil.”

Samantala, hiniling din ni Pangulong Duterte na patuloy na magtagumpay ang show ni Williw lalo na at hinahangaan daw nito ang karisma ng host sa masa.
“Bilib ako sa appeal mo sa masa, Mabuhay ka!”

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ng GMA News:

Manny Pacquiao, pinabilib si Karen Davila ng ipagluto niya ito personal sa pagbisita sa kanilang mansion sa Makati

Binisita ng ABS CBN broadcaster na si Karen Davila ang mansyon ni Manny Pacquiao sa Makati.

“Papapasukin ba ako nito o susuntukin ako?” ‘yan ang bungad ni Karen Davila sa kanyang YouTube channel.

Ito ay nang bisitahin niya ang mansyon ng Senator at boxing champ na si Manny Pacquiao.

Sa kanyang pagpasok sa mansyon ng mga Pacquiao napag-alaman ni Karen na 2011 unang nanirahan dito ang pamilya ni Manny.

Napakalawak at napakaganda ng mansyon, na ayon kay Manny ang asawang si Jinkee mismo ang pumili ng mga disenyo dito.

Sa dulo ng kanilang hallway ay makikita ang bible verse na Joshua 24:15 na nakalapat sa dingding ng pasilyo.

Sa kanilang panayam ay pinag-usapan nila Karen at Manny ang laki ng pinagbago ng huli pagdating sa buhay pamilya.

Kung noon daw ay wala siyang time sa family niya dahil napapalibutan siya noon ng bisy0.

Ngayon daw ay nawala na ang lahat ng ito at tuwing weekends ay mayroon na silang family bonding.

Nakausap din ni Karen maging ang mga anak nito at sinabi nila kung anong klaseng ama ang senador.

Sa kanilang paglilibot sa mansyon ng mga Pacquiao ay ipinasilip din sa video ang napakagandang opisina ng senador.

Pati na din ang napakalawak na garden at swimming pool.

Napakaaliwalas naman ng kusina ng mga Pacquiao na all white ang kulay.

Nang madako nga sila sa kusina ay nabigla si Karen, nabanggit nito na akala niya umano ay susuntukin siya ni Manny, iyon pala ay ipagluluto siya nito.

Manghang-mangha naman si Karen dahil mismong si Sen. Manny ang nagluto para sa kanya.

Pinagluto siya nito ng Escabeche, bilib na bilib naman si Karen dahil napag-alaman niyang bata pa lamang si Manny ay marunong na itong magluto.

Inamin kasi ni Karen na hindi pala siya marunong magluto na ikinagulat naman ni Sen. Manny.

The post Sen. Manny Pacquiao, Tinanggap ang Hamon ni Pres. Duterte: “Hindi Ako Sinungaling” appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments