Looking For Anything Specific?

83-taong gulang na lola, patuloy ang pag-akyat sa puno ng kawayan upang makapaghanap-buhay para sa pamilya

Ang pagiging matanda ay isang patunay na madami ka nang pinagdaanan sa buhay. Nariyan ang mga pagsubok at tagumpay kaya naman nararapat lamang na magpahinga at mag enjoy na lang kapag ikaw ay nagkaroon na ng gulang.

Ngunit halong pagkahanga at pagkaawa ang naramdaman ng mga netizens para sa 83 taong gulang na si Lola Gloria na umaakyat sa puno ng kawayan upang may mapagkakitaan.

Hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang magpatuloy sa pag- akyat sa puno ng kawayan na kaniyang gagamitin sa paghahabi ng mga basket at saka ibebenta.

Kwento niya, 10 taong gulang pa lamang siya nang namulat na siya sa ganitong trabaho.

Nais man niyang huminto dala ng sumasakit na din ang kaniyang likod, hindi pa din niya ito magawa dahil kinakailangan niyang kumita ng pera upang maipangtustos sa kaniyang pamilya.

Tanging ang pagkayod sa araw- araw ang bumubuhay sa kanila.

Sa kabila ng panganib na dulot ng kaniyang ginagawa, tunay ngang nakakamanghang hindi man lang siya gumagamit ng tali upang makaakyat bagkus ay itak lamang ang kaniyang dala- dala.

Masasabi nga talaga natin na ang responsibilidad ng pagiging ina ay walang katapusan at handang gawin ang lahat para sa pamilya kahit pa ang haharapin ay kapahamakan.

Ating mahalin ang ating mga magulang at ugaliing tulungan sila kahit sa maliliit na bagay lamang.

Post a Comment

0 Comments