Looking For Anything Specific?

AJ Raval, ibinunyag na hiwalay na sa kanyang long-time boyfriend na si Axel Torres sa kadahilanang ito

Hiwalay na si AJ Raval sa kasintahan na dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres.

Noon lamang Mayo, sa story conference ng Nerisa, inamin ni AJ na nobyo niya si Axel.

Pero sa virtual conference ng Taya noong Biyernes, August 20, ipinagtapat ng aktres na hiwalay na sila ni Axel.

Paglalahad ni AJ, marami daw silang naging problema at hindi daw tanggap ni Axel ang pagpapaseksi niya.

“To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin,” lahad ni AJ.

“Gusto ko pong ipagpatuloy yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life,” dagdag pa ng dalaga.

Isa rin daw sa naging rason ng kanilang paghihiwalay ay ang co-star nito na si Sean de Guzman.

“Hindi na po ako magsisinungaling pero kasama na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean. Ayaw rin po talaga niya ng karera ko ngayon. Ayaw po niya akong magpa-se’xy which is naiintindihan ko naman,” aniya pa.

Pero aniya, naiintindihan din naman niya ang binata.

“Naiintindihan ko naman po siya sa part niya kasi pumasok po ako sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista.”

“Napaka-conservative ko pong babae hanggang sa nag-artista po ako.”

“Parang dun po ako nag-start magpaseksi, so naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya po matanggap na ganito ang career ko,” ani AJ.

Nangyari ang kanilang breakup dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ito ang dahilan kaya burado na ang kanilang mga litratong magkasama sa Instagram account ng ex-PBB housemate. Naka-unfollow na din sila sa mga social media accounts ng isa’t-isa.

Trending Muli Ang Larawan Ni AJ Raval Habang Ito Ay Nagdidilig Ng Halaman

Matapos magtrending ng ilan sa mga vlog ni AJ ay trending muli ang ipinost niyang larawan kung saan nagdidilig ito ng halaman at nagpro-promote ito ng kanyang pelikula.

AJ: “TATAYAAN MO BA AKO? Tumaya na sa pinakasugap@ng pelikula ng taon, ang “TAYA” directed by Roman Perez Jr. Mapapanood na worldwide ngayong August 27 sa Vivamax Philippines, Middle East & Europe, Vivamax Japan, Malaysia, Hong Kong, and Singapore! Pati na rin sa KTX.ph, iWant TFC, and TFC IPTV!”, ito ang naging caption ng larawan nito na umani ng halos kalahating milyong reaksyon at 28k shares sa kanyang social media account.

Inulan ito ng komento galing sa netizens:

“Syempre naman. ALL IN!”

“Di ako nataya pero sige tataya ako”

“Baka gusto mo tulungan kita sa pag dilig lods “

Matatandaang ilan sa mga trending na videos nito ay ang ‘Jojowain O trotropahin’ kung saan kasama nito ang kanyang kapatid, Pagcacarwash kung saan nasita ito ng kanyang ama na si Jeric Raval at ang paglilinis ng kanyang kwarto.

Si AJ ay isa sa mga anak ng dating action star noong 90s na si Jeric Raval. Hindi naman maikakaila na nasa dugo nila ang pagiging artista dahil bukod sa may magandang mukha ito at may angking galing din sa pag-arte. Sa paglabas ni Jeric sa isang vlog nito ay hindi naiwasan ng netizen na purihin ang magandang tindig pa rin ni Jeric na tila ba hindi tumatanda.

The post AJ Raval, ibinunyag na hiwalay na sa kanyang long-time boyfriend na si Axel Torres sa kadahilanang ito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments