Neil Arce at Angel Locsin may pasilip sa kanilang bagong bahay na regalo ng pamilya ni Neil.

Ilang linggo ang nakalipas matapos ibahagi sa publiko ang kanilang pag-iisang dibdib, house tour naman ngayon. Ang ibinahagi ng newlywed couple.

Sa kanilang pinakabagong vlog, ikinuwento ng dalawa na dati nang pagmamay-ari ng pamilya ni Neil ang tahanan at pinaayos na lamang nila.

“In-offer ito ng family ni Neil. Ayaw sana namin tanggapin. Syempre nakakahiya. Ayaw namin umasa pero only child ang asawa ko,” nakatawang sambit ni Angel.

“Sobrang laking ginhawa at tipid namin sa mga bagay. Medyo old house siya. Ni-renovate lang namin kaunti,” pagbabahagi naman ni Neil.

Kwento pa ng mag-asawa muntik na umano silang tumira sa isang condo dahil nahihirapan silang pumili ng bagong malilipatan.

“Ang tagal naming naghanap. Syempre kailangan komportable kami. Okay sa locations ng trabaho namin. Kaya ng budget,” paglalaha ni Angel.

Ayon naman kay Neil, si Angel ang naging abala sa pagpapaganda ng kanilang bagong bahay.
Mapapansin sa loob ng kanilang kabahayan ang mga nakapalibot na iba’t-ibang painting at artwork. Kitang-kita ito sa high-ceiling reception area nila.

Si Angel mismo ang nagdisenyo umano ng mga ito para sila ay makatipid. Kaya naman laking pasasalamat sa kanya ni Neil.

“Si Angel since sobrang tutok niyang gawing home ito she makes sure na may pieces of me. Thank you very much, my wife.”

Karamihan din sa mga bagong gamit ng mag-asawa ay nabili lamang ng aktres sa mga local online store.

At kagaya ng unang napabalita, natupad ang plano ni Angel na magkaroon ng sariling closet ang mga walis, bagay na hindi maunawaan noong una ni Neil.

Narito ang kabuuan ng kanilang vlog:
Ate ni Angel Locsin, nagulantang sa hiling ng kapatid na maghanda ng mga street food sa wedding day nila ni Neil Arce

Simple pero roar!
Ito umano ang perfect description ni Angel Locsin sa naganap na pagiisang dibdib nila ng mister na si Neil Arce.
Sa nasabing vlog ay isa isa din nilang ibinahagi ang mga nangyari before the wedding. Tulad na lamang ng pangyayari noong nagpropose siya kay Angel.

Pati na din ang pagkawala ng engagement ring ng aktres habang nasa eroplano ito kasama ang ASAP cast.
Church wedding talaga ang naka-plano para sa kanila, hindi ito naisakatuparan agad dahil sa pandemya.

Pati na umano ang prenup shoot nila sa Finland ay naudlot din dahil biglang nagkaroon ng pandemya.
Hanggang sa napagdesisyunan na umano nila na ganapin na nga ang civil wedding.

Isang simpleng kasalan pero puno ng pagmamahal ang nangyari sa kanilang pagiisang dibdib.
Habang nagkwkwento naman ang ate ni Angel, nabanggit nito na ilan sa mga Pinoy street foods ang nais ipahanda ni Angel.

Kabilang na ang Milk Tea, frenchfries, fishballs, kikiam, kaya napatanong na lamang daw ang Ate ni Angel na wedding day pero street food pa din.

Kaya naman mas lalong humang ang marami sa kasimplehan ni Angel. At mas lalo nilang minahal ang aktres.
Pati ang simpleng wedding nito ay talaga namang umani ng papuri.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“The simplest but most romantic and cutest wedding I’ve ever seen among celebrities.”
“This is what Neil and Angel are all about… Simplicity and Real-ness! ”
“everyone dream wedding: Simple yet romantic”
Narito ang kanilang video:
The post Mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, ipinasilip ang kanilang bagong bahay na bigay ng pamilya ni Neil appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments