Looking For Anything Specific?

Bahay ng nag-viral na si Maria Hoffs, ay naging ‘instant’ atraksiyon ng mga turista!

Ang babaeng nag-viral sa social media na si Maria Hoffs dahil sa hindi niya pagbabayad sa isang catering services. Ngayon ay tila kilalang-kilala na siya sa social media dahil pati ang bahay nito ay naging atraksiyon ng mga turista.

Sa naging panayam kay Hoffs ng GMA-7, sinabi niyang ang kanilang lugar sa Barangay Babag ll sa Cebu City ay naging isang ‘instant’ atraksyon ng mga turista kasunod ng nangyaring kontrobersya sa kaniya.

Saad ni Hoffs, “Mao ni ang karsada nga perti ka sikat kaayo ngayon, na nakadisturbo ni namo, nga instant tourist atraksyon, nga hindi na gyod mi katalug kay maglabay-labay diri bahisbahis, magsyagetsyaget. Hain na among proteksyon ngayon? Diri. Kay Dahil lang anang cyberbullying, ha, cyberbully. Diri ang insidente.”

Sinabi rin niya na ang ilang mga motorista ay tumitigil sa tapat ng kanilang bahay upang pagkakuha ng larawan at ang background ay ang kanila mismong bahay. Mayroon namang iba na nagpapakuha ng larawan na malapit sa access road na patungo sa kanilang bahay. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng CDN ang samu’t saring mga pose ng mga taong nagpapakuha ng larawan at nag-eenjoy sa kanilang spot.

Sumikat si Hoffs dahil sa kaniyang naging kontrabersiyal na hindi pagbabayad sa isang catering services na kaniyang kinuha. Kaya naman ang isyung ito ay nakuhaan ng video ng mismong may-ari ng catering services. At umaabot pa sila sa programa ni Raffy Tulfo. Dahil dito maraming naging ‘bashers’ si Hoffs. Nasabi pa ni Hoffs na kakasuhan niya ang mga netizens na bumatikos sa kaniya.

Sa kabila ng pangyayari, iginiit pa rin niya ang hindi pagbabayad ng kaniyang full payment sa catering services na naging dahilan din upang mas lalong magalit sa kaniya ang mga netizens. Kaya naman siguro naging katuwaan at ginawang tourist spot ng mga taong dumadaan ang kanilang bahay.

TRENDING: Donya Sa Cebu, Ayaw Bayaran Ng Buo Yung Inorder Dahil Hindi Nagustuhan Ang Pagkain! Netizens, Anong Masasabi Niyo Rito?

Sa panahon ngayon na bawal lumabas at walang masyadong lumalabas ay nauso ang online selling. Dumami na rin sa atin ang rumaraket sa pag-oonline. Halos lahat na yata ng bilihin ngayon ay mabibili na natin online. Mapapansin natin na malaki ang tulong ng mga social media applications sa mga nagbibisnes ngayon.

Isa na rito si Marjorie Alison, nagmamay-ari ng Marjorie’s Food Tray packages. Nag-trending ito kamakailan ng magpost ng live video ng kanyang customer na ayaw bayaran ang natitirang PhP9,000 sa P18,000 na napagkasunduang presyo. Ito ay may isang lechon, walong putahe ng ulam at dalawang fruit trays.

“Si madam ayaw magbayad kinain lechon package ko ayaw mag full pay kasi hindi daw satisfied pero kinain lahat lechon package ko.. asan hustisya ng mga small business owner lalo na sa online lang naghahanap buhay”

Umabot sa mahigit 300k shares, mahigit 200k reaction at 4 million views na ang video na ito.

Inulan ito ng samut saring opinion ng netizens.

“Dapat talaga fully paid na sa mga ganyan…. syempre me puhunan yan. Kung hindi nasarapan eh di wag nlng umulit…pero you have to pay”

“Mga ** talaga! Bagu ka mag confirm ng order mo, aware kanaman dapat sa package na inorder mo! Educated but not totally mannered!”

Maraming netizens ang nagalit ngunit mayroon ding umayon sa customer.

“Customer is always right”.

Netizens, anong masasabi niyo sa pangyayaring ito?

The post Bahay ng nag-viral na si Maria Hoffs, ay naging ‘instant’ atraksiyon ng mga turista! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments