Looking For Anything Specific?

Barbie Imperial, kinaliwan ng mga netizens matapos mabiktima ng magic tricks ni Joross Gamboa

Hindi maipinta ang mukha ni Barbie Imperial sa ginawang ito sa kanya ni Joross Gamboa.

Ito ay nang ginawan ng nakatutuwang “magic trick” ni Joross Gamboa si Barbie Imperial.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ito ni Joross kung saan makikitang tila nasa isang restaurant sila.

Kasama ang kilala ding komedyante at magician na si Jeffrey Tam na kasabwat ni Joross.

Kunwari ay mawawala ang coins na hawak ng aktor na inilapat niya sa noo ni Barbie.

Napasigaw naman si Baebie nang makita niyang wala na sa kamay ni Joross ang coins, at

inakalang pumasok ito sa loob ng kanyang ulo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga ay hawak na ito ni Jeff Tam.

Hindi maipaliwanag ni Barbie ang kanyang nararamdaman at sinabing bigla umanong sumakit ang ulo niya.

Lahat ng kasama nila ay tawang tawa at kasabwat din pala sa panlolokong ito ni Joross sa aktres.

“Kuyaaa nasa loob ba talaga?” maririnig na sambit ng kabado ng si Barbie.

Nang akmang kukunin na ito ni Joross ay isang daang piso naman ang inabot ng pasimple ni Jeff na kasama din sa kanilang plano.

Muli ay nawindang ang reaksyon ni Barbie sa nangyari at tila hindi makapaniwala ang aktres sa ginawa ni Joross.

Pati si Jeff ay nakisali na din at ipinamalas din ang kanyang magic tricks na mas lalong nagpamangha kay Barbie.

Maraming netizens naman ang tuwang tuwa sa reaksyon ng dalaga.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Hahaha .. ano kaya reaction ni Barbie nung nalaman niya ang totoo”

“Hahaha ung reaksyon ni barbie ang panalo”

“yung may backer kang magikero pero ikaw champion sa kalokohan haha”

Sa caption naman ni Jooross sinabi nitong hindi lang si Barbie ang ginawan niya ng ganito kundi marami sila.

Narito ang kanilang video:

Barbie Imperial, Ibinunyag ang Pagkakaiba ni Diego Loyzaga sa mga Naging Ex-Boyfriend Niya Noon

Hindi lang sa career blessed ang young actress na si Barbie Imperial, kundi maging sa kanyang love life! Maraming netizens ang talagang napa-“sana all” sa nakakakilig na pagsasama ni Barbie at ng kanyang boyfriend na si Marco Gumabao. Matatandaang nitong January 2021 lamang nang ibunyag ni Barbie na official na ang relasyon nila ni Diego.

Sa social media, ibinabahagi rin ng aktres ang sweet moments nila ni Diego. Ayon kay Barbie, wala na siyang ibang mahihiling pa dahil mapagmahal at maunawain si Diego sa kanya.

Ayon pa sa ibang fans na nakasubaybay sa kanilang relasyon, talagang deserve ni Barbie ang pagkakaroon ng mabuti at responsableng boyfriend.

Kamakailan lang, sa kanyang exclusive interview sa KAMI ay ibinahagi ni Barbie ang kaibahan ni Diego sa kanyang mga ex-boyfriend noon.

Matatandaang na-link si Barbie dati sa kanyang co-star na si JM de Guzman, at naging ex-boyfriend niya rin ang aktor na si Paul Salas. Ayon kay Barbie, ibang-iba si Diego sa mga ito.

“There’s a lot of differences with my relationship now with Diego from my past relationships. I was serious naman before, but now, mas grabe. We talk about life. We talk about future. At ang sarap sa pakiramdam when someone you love talks about a future with you. I’ve learned a lot from Diego,” pahayag ni Barbie.

Dagdag pa nito, malaki rin ang pasasalamat niya dahil marami siyang natututunan kay Diego. Na-inspire rin daw siyang maging mas mabuting tao dahil sa impluwensya ng kanyang boyfriend.

“He guides me. He helps me become the best version of myself. Im so used to being the alpha in a relationship, but with Diego, I can be just me. I can be a girl. I can be soft. He’s the best. And Im so lucky to have him in my life talaga,” pahayag ng aktres.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Barbie Imperial, kinaliwan ng mga netizens matapos mabiktima ng magic tricks ni Joross Gamboa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments