Latest video ng controversial couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto usap-usapan na namang muli.

Magmula nang aminin sa publiko ang kanilang relasyon, patuloy na nga ang pagbibigay kilig nina Julia at Gerald.

Tila di na nila alintana ang mga haters na patuloy pa din na binabash ang kanilang relasyon.

Mas pinapatunayan ng magkasintahan na masaya sila sa kung ano man ang meron sila sa ngayon.

Katulad na lamang ng pagbabahagi ng mga happy moments tuwing sila ay magkasama.

Isang video ngang muli ng magkasintahan ang viral ngayon sa social media. Kung saan makikitang nakasakay ang dalawa sa isang service trolley.

Habang si Julia ang may hawak ng phone para mag video ay kitang kita naman ang paglalambing ni Gerald sa nobya.

Panay ang halik ng aktor sa pisngi ni Julia na tila inaamoy amoy pa ang kanyang girlfriend.

Si Julia naman ay masisilayan ang malaking ngiti na halatang kilig na kilig sa ginagawang paglalambing ni Gerald.

 

Kitang kita ang kasiyahan ng magkasintahan tuwing sila ay magkasama. Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang video nilang ito.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:

 “Hayooop gigil c ge KY juju Ganda nman kse juju e.”

“Ang galing ang sweet ninyong dalawa talagang pinakilig na niyo ang lahat ng mga fans ninyo sa buong mundo”

“Haysst di ko mapigilan kiligin sa dalawang ito”

“nakakakilig pero medyo nakakaasiwa”

“yung tatay naglambing na naman sa panganay niya”

Dedma na lang sa bashers sina Julia at Gerald at pinapatunayan lang nila na masaya sila sa piling ng isa’t-isa.

Gerald Anderson at Julia Barretto, Nag Honeymoon na nga ba? Matapos Mag Viral Ngayon Dahil sa Video na ito

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang magkasintahang si Julia Barretto at Gerald Anderson matapos kumalat ang mga bali-balita na tila nagkakasawaan na agad ang dalawa matapos ang mahigit isang taong relasyon nila.

Batay ito sa mga Tiktok videos na nasa social media kung saan makikitang tila walang amor si Gerald sa aktres na panay ang yakap at kausap sa kaniya habang naglalayag sila sa isang yate sa kalagitnaan ng kanilang bakasyon.

Marami ang nakapansin ng tila hindi pagiging “enthusiastic” ni Gerald ngunit ipinagtanggol naman ng kanilang mga fans ang kanilang “individual differences” dahil sa kanilang malaking age gap, dahilan upang hindi makita ang pagiging makulit ng dalawa sa harap ng camera.

Ngunit agad namang pinabulaanan ng dalawa ang mga hina-hinala ng mga fans matapos mag upload ang magkasintahan ng magkasunod na vlog sa kanilang mga Youtube channel tungkol sa kanilang bakasyon sa Subic.

Taliwas sa mga hinala ay makikitang napaka saya ng dalawa na sinusulit ang mga panahon na wala pa silang trabaho bago upang makapag quality time.

Sunod-sunod ang pagbabakasyon ng magkasintahan at inaabangan ng mga fans kung saan ang kanilang next stop.

Habang nasa Subic ay nag-try ang dalawa ng iba’t ibang physical activities gaya na lamang ng fishing, swimming, at pag subok ng iba’t ibang delicacies ng lugar.

Ayon sa aktor ay lubos niyang na enjoy ang kaniyang oras sa beach kasama ang Kapamilya star.

“We’re going to be sailing the high seas of Subic Bay! The not-so-high seas. [The weather is] not so good pero okay na rin kasi mahangin,” ani Anderson.

“[It’s a] nice spot, pwedeng mag-chill and relax. We’re out here, just enjoying,” dagdag pa niya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Bagong video nina Julia Barretto at Gerald Anderson na sweet sa isat-isa inulan ng komento appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed