Karamihan sa atin ay nag-iimpok ng kayamanan ngunit hindi nga lang sa bangko kundi sa lupa. Ang magkaroon ng malawak na kabukiran sa probinsya ay isang napakagandang paraan ng pagnenegosyo at nakakapagbigay ng kapayapaan lalo na at kung ang trabaho mo ay sa Manila.

Mainam ang piniling desisyon ng aktres na si Bea Alonzo naiinvest ang kaniyang kinikitang pera mula sa dugo’t pawis niya katulad na lamang ng kaniyang mga endorsement, mga proyekto, at iba pa para bumili ng napakalaking lupain na pinangalanan niyang Beati Firma sa Zambales.

Nariyan ang mga tanim na mangga na kung saan ay ipinasilip ng aktres na si Bea. Marami ang na-inspire na netizen sa kaniya. At hindi lang iyon, mayroon din itong fishpond at mayroon ding iba’t ibang alagang hayop sa nasabing farm. At kung pagmamasdan din natin maraming namumungang puno na talagang organic at walang halong kemikal. Napakataba at busiksik sa protina kaya’t makikita ang sustansiya.

May naisipan rin ang aktres na magkaroon ng bagong proyekto para sa kanyang Beati Firma Farm na ibinahagi sa kaniyang youtube vlog. Tinagurian niya rin itong “Mary’s Secret Garden” dahil narito ang mga gulay na pananim ng kaniyang ina na si Mary sa Vegetable garden.

Ibinahagi naman niya sa nasabing vlog doon sa secret garden ng kaniyang ina ang paghaharvest ng mga pananim na gulay. At mamamasdan natin ang ilang mga pananim na gulay sa nasabing garden na gaya na lamang ng sitaw, talong, mais, at okra.

Nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ni Bea habang pinipitas ang sitaw at talong. Batay kay Bea, maraming protina na talagang ang mga gulay at prutas ay malaking kahalagahan sa ating katawan. Masustansiya ang kanilang kinakain dahil bagong ani pa ang mga ito at nakakatipid din at nasisiguro nila na purong organic ang ginagamit dito. Makulay na sustansiya na magsusupurta sa ating katawan.


Malaki rin ang naitutulong para kay Bea na magkaroon ng sariling garden dahil sa maganda nitong benepisyo kaya’t hinihimok niya ang mga netizen na gumawa ng ganitong garden sa kanilang mga bahay upang hindi sila mahirapan na bumili sa palengke at makakatipid din sila sa gastos kung kaya’t ang pakinabang talaga nito sa atin ay malaki gayundin din sa ating kalusugan.

Samantala, habang aliw na aliw si Bea sa pamimitas ng mga gulay ay siya namang pagbuhos ng ulan kung kaya ay nahinto ang pagha-harvest nito. Datapwa’t, hindi niya inalintana ang biglaang pagbuhos ng ulan bagaman hindi na natuloy ang pamimitas nito bagkus ipinagpatuloy niya ang naturang vlog. Ipinakita niya ang family bonding ng kaniyang pamilya na halata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.
Dominic Roque, may malaking pasabog matapos ibahagi ang kanilang sweet na larawan ni Bea Alonzo sa IG

Patuloy ang pagpapakilig nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang mga fans.
Nakabalik na sa bansa sina Dominic at Bea matapos ang bakasyon nila sa Los Angeles California.
At unti-unti na ring inilalantad ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko.
Kahapon nga lang, August 5, ay muling pinakilig nina Bea at Dominic ang kanilang mga fans and supporters.

Tila girlfriend reveal kasi ang latest post ni Dominic sa kanyang Instagram account.
Maikling caption ni Dom, “Lover [musical notes emoji]”. Kalakip nito ay ang apat na sweet photos nila ni Bea Alonzo.

Kuha ang mga larawan sa Napa Valley, California kung saan nagbakasyon ang dalawa nitong July.
Nagkomento naman dito si Bea ng “Hi!!! [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”
Pati ang tita ni Dominic na dating aktres na si Beth Tamayo ay may nakakatuwang komento din. Saad nito, “Tamis ng asukal sa Napa! Lol.”

Ilan din sa mga kaibigan nila sa industriya ng showbiz ay hindi din napaigilang kiligin sa mga litrato nina Dom at Bea.

Komento nga ni I.C. Mendoza, “ANO NA MGA KAPITBAHAY?! SINO GUSTONG WATER JAN [two smiling faces with heart-shaped eyes emojis]”

Saad naman ni Denise Laurel, “Love is so beautiful [heart emoji]”
Sabi naman ni Gretchen Ho, “So happy for you Dom [slightly smiling face emoji]”

“Dooooom!!!! anunabaaaaa hoy!!! @beaalonzo YOU GUYS LOOK SO GOOOOOD TOGETHER stay happy!!!!” komento naman ni Dimples Romana.
Bago pa ang post na ito ni Dominic ay nagbahagi na din si Bea ng larawan nilang dalawa na nakahawak pa sa bewang niya si Dominic.
The post Bea Alonzo, Ipinakita Ang First Time Na Pagharvest Ng Mga Gulay Sa Kanyang Napakalawak Na Farm Sa Zambales appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments