Nakakagaan sa pakiramdam kung sama-sama kayong pamilya, may tahanan na inuuwian, kumakain ng sapat sa isang araw, may mahihingian ng tulong kung walang-wala at may gagabay sa bawat desisyon sa buhay at ikaw ay lubos na mapalad.
Basahin dito ang nakakaawang sitwasyon ng isang lolo na namumuhay mag-isa. Si Lolo ang nagbebenta ng lugaw para kumita para sa pang araw-araw niya at sa kaniyang kalagayan na ibinahagi ng isang netizen na si Max Udomsak na taga Bangkok, Thailand.
Kumikita lamang ng 34 pesos ang matanda sa isang araw. Kagaya nito nakakabenta lamang siya sa halagang 34 pesos at kung may kasama pa itong itlog ay nasa halagang 40 pesos lamang. Nasa mahigit ilang oras ang inaabot bago makabenta si lolo minsan pa nga daw ay matumal ang benta dahil sa estado ng kaniyang pwesto ay walang gustong bumili.
Sa kadahilanang nasunog noon ang kaniyang bahay kung kaya wala siyang masilungan at ang tinitirhan ni lolo ay ang abandonadong bahay. Hindi na niya kayang umupa o kumuha ng bahay dahil sa kakulangan ng pera at siya ay nag-iisa na lamang sa buhay, walang katulong sa buhay at wala ring tumutulong sa kaniya ngunit gumawa siya ng kaniyang masisilungan gamit ang tarpaulin upang hindi siya mabasa kapag umuulan upang komportable sa kaniyang pagtulog.
Gumigising si lolo ng alas tres ng madaling araw para simulan ang pagtitinda ng lugaw hanggang sa sumapit ang gabi. Meron namang bumibili kay lolo ngunit talagang madalas ay wala. May mabubuting netizen ang nagbahagi ng litrato ni lolo para makatulong sa kaniyang paninda at marami ang tumulong rito. Tunay na masarap nga daw ang lugaw ng matanda at hindi nga raw sa naaawa kundi totoong masarap talaga. Ang iba nga raw ay nagbibisita sa paninda ni lolo upang kumain ng lugaw at marami rin ang nagbahagi ng tulong sa matanda dahil ito sa post ni Max.
Hindi batayan kung saang estado ng buhay ka napapabilang bagkus magpatuloy lang at magbahaginan tayo ng tulong sa mas nangangailangan kagaya na lamang ni Lolo. Bigyan natin ang bawat isa ng ngiti sa labi upang kahit anong hirap ay makakayanan natin ito.
Si Tatay Na Kahit Bulag Ay Nakakapagbenta Pa Din Ng Walis Tambo Upang Makapagpatayo Uli Siya Ng Kanyang Bahay Na Nasira Ng Bagyo
Mahirap ang kalagayan ng mga taong may kapansanan, dahil sa kanilang kalagayan nahihirapan silang makahanapbuhay para sa kanilang pang araw-araw na mga pangangailangan. Ngunit, hindi makikita sa kanila ang kawalan ng pag-asa sapagkat para sa kanila habang may buhay may pag-asa.

Isa na rito ang kalagayan ng isang lalaking bulag na sa kabila ng kaniyang madilim na mundo ay nagagawa pa nitong maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda nito ng mga walis tambo. Ang lalaking ito ay nakilala sa isang Youbube vlog ng vlogger na si Virgelyncares, siya ay si Tatay Jimmy. Sa araw-araw na paglalako ni Tatay Jimmy ng walis tambo, hindi umano ito natatakot na maglakad mag-isa sa kalsada habang siya ay naglalako. Sa layo ng kaniyang nilalakad araw-araw hindi na alintana sa kaniya ang kaniyang nilalakaran dahil lagi niyang gabay ang kaniyang tungkod.

Dahil sa kaniyang kalagayan napaantig ang puso ng vlogger na si Virgelyncares nang makita nito sa social media ang larawan ni Tatay Jimmy na pagod na pagod na sa kaniyang pagtitinda kahit tirik na tirik ang araw. Hinandugan ng tulong ng vlogger si Tatay Jimmy, upang maipagpatayo niyang muli ang kaniyang nasirang bahay. Sa pag-iinteview sa kaniya ng vlogger nabanggit ni Tatay Jimmy na kaya siya nag-iipon ng pera mula sa kaniyang kinikita sa pagtitinda ng mga walis tambo ay upang makapagpatayo siyang muli ng maliit nga tahanan.

Kaya naman dahil kinaantigan ng vlogger ang kaniyang kalagayan binigyan siya nito ng pinansiyal na tulong maitayo niyang muli ang kaniyang tahanan na nasira ng nagdaang mga bagyo. Hindi lang iyon ang natanggap ni Tatay Jimmy pati na rin pangkabuhayan ay binigyan siya nito, upang hindi na siya maglako pa ng mga walis tambo sa daan na lubhang delikado para sa kaniya.

Tunay ngang kahit anong hirap ang dinaranas ng isang tao, hindi pa rin nawawala ang pag-asang may magandang bukas ang laging naghihintay sa bawat araw na magdaan.
The post Lolong Nagbebenta Ng Lugaw At Mag-isa Na Sa Buhay, Kinaawaan Dahil Halos Walang Bumibili Tuwing Siya Ay Nagbebenta appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments