Looking For Anything Specific?

Camille Trinidad, may makahulugang post tungkol sa magiging future nila ni Jayzam Manabat matapos ibenta ang bahay at sasakyan

Dumadaan nga ba sa matinding pag subok ang relasyon ng couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad?

Ito ang tanong ng kanilang mga fans ngayon matapos ang sunod sunod na kontrobersiya na kinasangkutan nila.

Matatandaan na sinubok ng matindi ang pagmamahalan ni Jayzam at Camille nang magsilabasan ang mga issue ng male vlogger sa iba’t-ibang babae.

Ngunit nalagpasan na daw nila ito at mas lalo pang tumibay ang kanilang relasyon. Pero sa ngayon, tila may pinagdadaanan ulit ang dalawa.

Nitong mga nagdaang araw, nagkaroon muli ng usap usapan na parang maghihiwalay na umano ang dalawa.

Ito ay matapos burahin ng JaMill ang kanilang YouTube channel na mayroon nang higit 10 million subscribers.

Pagkatapos nito, naka post naman ang kanilang bahay at sasakyan na ipinagbibili na. Bagamat tahimik silang dalawa, hindi maiiwasan ng kanilang fans na usisain ang nangyayari.

Dahil dito, marami ang nakapansin sa isang Instagram post ni Camille na may matalinhagang caption.

Kalakip ng mga sweet photos niya kasama ang long time boyfriend na si Jayzam, tila may patutunguhan ang caption ni Camille.

“No matter what happens in the future, no matter where our paths take us, this moment will be ours,” saad ni Camille sa kanyang caption.

 

Para sa mga fans, parang nagpapahiwatig umano si Camille tungkol sa future nila ni Jayzam.

Sa ngayon, naka limit na ang comments ng naturang post.

Mauuwi nga ba sa hiwalayan ang dalawa?

Jamill, may offer pa sa mga netizens na kapag nabenta ang kanilang mansion makakatanggap ng P100k

Gusto mo ba ng instant Php 100,000? JaMill na ang sagot dyan!

Matapos mapost ang kanilang naipundar na mansion, ipinagbibili na ngayon ni Camille Trinidad at Jayzam Manabat ang kanilang lupa at bahay.

Umiikot sa social media ngayon ang nga larawan ng bahay ni Camille at Jayzam dahil ipinagbibili na ito. Hindi naman malinaw ang dahilan kung bakit nila ito ibinebenta.

Malaki ang naging parte ng mansion ng JaMill dahil isa ito sa mga malalaking bagay na kanilang naipundar dahil sa kanilang YouTube vlogging.

Madami ding memories ang dalawa dito dahil halos karamihan ng kanilang vlogs ay kuha sa loob ng kanilang mansion.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Rhona Pineda Nilo, naka upload ang photos ng mansion na kita ang iba’t-ibang bahagi ng bahay.

Sa kanyang caption, nakalagay ang full details ng mansion. Pero mas agaw pansin sa caption na maaaring mag uwi ng isang daang libong piso sa makakahanap ng buyer nito.

“SHARE this post and get 100,000 pesos (commission) when your referral is set as sold transaction (hindi po kayo makikipag usap, basta refer nyo lang po ako na bahala makipag transact) direct owner/seller here.. ez 100k sayo,” saad ni Rhona.

The post Camille Trinidad, may makahulugang post tungkol sa magiging future nila ni Jayzam Manabat matapos ibenta ang bahay at sasakyan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments