Looking For Anything Specific?

Jamill, may offer pa sa mga netizens na kapag nabenta ang kanilang mansion makakatanggap ng P100k

Gusto mo ba ng instant Php 100,000? JaMill na ang sagot dyan!

Matapos mapost ang kanilang naipundar na mansion, ipinagbibili na ngayon ni Camille Trinidad at Jayzam Manabat ang kanilang lupa at bahay.

Umiikot sa social media ngayon ang nga larawan ng bahay ni Camille at Jayzam dahil ipinagbibili na ito. Hindi naman malinaw ang dahilan kung bakit nila ito ibinebenta.

Malaki ang naging parte ng mansion ng JaMill dahil isa ito sa mga malalaking bagay na kanilang naipundar dahil sa kanilang YouTube vlogging.

Madami ding memories ang dalawa dito dahil halos karamihan ng kanilang vlogs ay kuha sa loob ng kanilang mansion.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Rhona Pineda Nilo, naka upload ang photos ng mansion na kita ang iba’t-ibang bahagi ng bahay.

Sa kanyang caption, nakalagay ang full details ng mansion. Pero mas agaw pansin sa caption na maaaring mag uwi ng isang daang libong piso sa makakahanap ng buyer nito.

“SHARE this post and get 100,000 pesos (commission) when your referral is set as sold transaction (hindi po kayo makikipag usap, basta refer nyo lang po ako na bahala makipag transact) direct owner/seller here.. ez 100k sayo,” saad ni Rhona.

Netizens, sinabing tax ang dahilan kung bakit dinilete ng Jamill ang kanilang YouTube

BIR is fast but JaMill is faster.

Iyan ang saad ng mga netizens sa biglaang pagbura nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad sa kanilang YouTube channel.

Kamakailan nga ay nagbigay na ng pahayag ang BIR, na pinapaalalahanan nila ang mga social media influencers.

Na kailangan umano ng mga ito na magbayad ng kaukulang tax. Lalong lalo na ang mga kumikita sa pamamagitan ng iba’t-ibang social media platforms.

“Therefore, if a social media influencer receives free products in exchange for the promotion thereof on his/her/it YouTube channel or other social media accounts, he/she/it must declare the fair market value of such products as income,” saad sa pahayag ng BIR.

Babala pa ng BIR ay makakasuhan umano ang mga social media influencers ng paglabag sa income tax at business tax.

Kaya naman sa biglaang pag take down ng JaMill sa kanilang YouTube channel ay ito ang naiisip na dahilan ng mga netizens.

Saad ng marami na inunahan na umano ng JaMill ang BIR bago pa maipatupad ang batas na pagsingil ng tax para sa mga social media influencers.

Anila, mautak daw umano talaga ang magkasintahan. Binura nila ang kanilang channel para hindi na masilip. Hindi sila masingil ng malaking tax.

Narito ang ilan sa komento ng netizens ukol dito:

“paunahan pla sila haha pero kung kaya siguro nag end yt sila baka mas malaki babayaran nila”

“naisip nila baka isasama pa laht lahat sa tax yung kita nila edi mas malaki babayaran nila”

“mautak talaga JAMILL eh inunahan na ng bua bago masingil ng tax”

“Tax is waving, Jamill be like may nahay at kotse na kame goobye yt”

Samantala, ayon sa JaMill nais lamang nila mamuhay muli ng simple kaya binura nila ang kanilang YT hannel.

The post Jamill, may offer pa sa mga netizens na kapag nabenta ang kanilang mansion makakatanggap ng P100k appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments