Mas lalong nakilala at nakita ng entertainment press ang ibang side ng 20-year-old daughter nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy.
Umamin si Cassy Legaspi na tumatak sa kanya ang payo ng mga magulang na mag-ipon.
Bata pa lamang kasi ay kumikita na si Cassy ng sarili niyang pera.
Galing sa mga endorsement at commercials kasama ang kanyang mga magulang at kakambal na si Mavy.
Nang pumasok naman sila ni Mavy sa showbiz noong 2018 ay hinayaan sila ng kanilang mga magulang sa kanilang mga kinikita.
Kung saan nila ito gustong gastusin o ano man ang gusto nilang bilhin.
Sa panayam ni Cassy sa PEP.ph saad ng dalaga, “My parents would give suggestions lang on how I can handle my money.
“But ako po ang nagde-decide like how and where my money goes.” Parte din umano ng suhestyon ng kanilang magulang ay ang mag-ipon.
“Pero siyempre when they see na, ‘Ah, parang medyo mali? Parang dapat mag-save ka muna, huwag ka muna mag-spend diyan…’
“They’ll just remind me na, ‘Sure ka? You don’t want to save that money?’
Pagababahagi pa ni Cassy hinihingi niya ang payo ng kanilang mga magulang pagdating naman sa mga investments.
At sa murang edad ay may mga pag-aari na si Cassy na ilan sa mga investments niya.
“It’s more on land, more on land. Kasi siyempre, when I was little, yung parents ko nagha-handle ng mga investments namin.”
Ngayong pwede na sila mag decide ni Mavy sa kanilang mga kinikita ibinahagi ni Cassy ang nais niya bilhin ngayon. At ito daw ay sasakyan
“They would also ask us naman, ‘Do you want to invest anywhere?’ So ako naman, yung inisip ko kasi, I want to invest in a car. I want to have my own car.”
Cassy Legaspi, inaming nasusuka kapag nakikita ang presyo ng mamahaling bag kaya nanghihiram nalang ito sa ina
Mas lalong nakilala ang ibang side ng 19-year-old daughter nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy Legaspi.
Umamin si Cassy Legaspi na tumatak sa kanya ang payo ng mga magulang na mag-ipon.
Kuwento ng young Kapuso actress sa interview niya,“Hindi ako ma-splurge o ma-designer brands. I’m a super-super saver, so I share shoes with my mom, I share bags with my mom. Why would I buy? Mayroon naman branded si mommy. Yeah, borrow, borrow na lang.”
“Si Mommy, ganun, ma-luxury siya. Ako po, hindi… parang I just think na kunware may wallet na PHP100,000. I can get that wallet na kunware PHP1,000. Parang yun yung nasa isip ko.”
Sa kabilang banda ay nagi-invest pa rin umano si Cassy sa mga quality, classic designer bags.
Tulad na lamang ng Louis Vuitton Pochette Félicie crossbody bag na makikitang suot niya sa kaniyang isa IG post.
Ang LV bag na iyo ay nagkakahalaga ng USD1,120 or around PHP56,000.
Pagbabahagi pa nga ni Cassy, “I’m not really brand-conscious, but my mom taught me na it’s part of your work.
“You need to learn how to invest. Hindi naman parang buy all the luxury items in the world.
“But, at the same time, learn how to invest in good quality shoes, bags.
“Kasi siyempre, artist ka, people will look at you. You need to look pleasing to the eyes, dapat po maayos.”
Kamakailan lang, si Cassy ang nakasama ni Mina sa bagong video niya sa YouTube na may titulong “What’s In My Bag”
Sa unang bahagi ng vlog, nabanggit ni Carmina na hindi alam ni Cassy na sa kanya ang ginagamit niyang Gucci bag.
Ang buong akala kasi ng dalaga ay hiniram lamang niya ang mamahaling bag sa kanyang mommy.
The post Cassy Legaspi, inaming bata palang sila ng kanyang kambal na si Mavy Legaspi, may sarili na silang mga properties appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments