Looking For Anything Specific?

Lyca Gairanod, inaming binenta ang bahay na napanalunan sa ‘The Voice Kids’ at bumalik sa kanilang lumang bahay

Naibenta ang lupa at bahay na napanalunan ni Lyca Gairanod sa kadahilanang ito.

Si Lyca ay nanalo noon sa singing contest ng ABS-CBN na The Voice Kids kung saan nag uwi siya ng cash prize at house and lot.

Mula nang siya ay itinanghal bilang grand winner mula sa Camp Sarah, naging bread winner na si Lyca ng kanyang pamilya.

Matatandaan na nagmula sa mahirap na buhay ang singing child star na ito noon na nabiyayaan ng talento sa pagkanta.

Si Lyca ay nagmula sa Tanza, Cavite kung saan ang kanyang pamilya ay namumuhay sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga kalakal.

Hanggang sa nag viral ang kanyang video kung saan kinanta niya ang high notes ng iconic band na Aegis.

Simula nang manalo siya, naging maganda ang karera ng buhay showbiz ni Lyca. Bukod dito, nagkaroon din siya ng maraming subscribers sa sarili niyang YouTube channel.

Ibinahagi niya din ang vlog kung saan bumili siya ng brand new car para sa kanyang pamilya.

Pero nito lamang, naibenta ni Lyca ang kanyang napanalunang house and lot noon sa The Voice Kids.

Ayon sa singing child star, marami na ang nabuong masayang memories sa kanilang bahay pero kinailangan niyang ibenta.

 

“Marami rin pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon (new house) pero umuwi. Ayaw niya po talaga doon,” pagbabahagi ni Lyca.

Kinailangan daw ibenta ni Lyca ang bahay dahil bumabalik ang lola niya sa kanilang lumang bahay sa Tanza.

Lyca Gairanod, ibinahagi ang pagtulong sa matandang nangangalakal na si Nanay Ising. matapos niyang maalala ang sarili niya dito noon

Isang nakakaantig na istorya ang ibinahagi ni Lyca Gairanod sa kanyang latest vlog.

Ibang-iba na nga ang buhay ngayon ni Lyca Gairanod matapos niyang tanghalin bilang grand winner.

Ng kauna-unahang season sa Kapamilya TV show na “The Voice Kids Philippines” noong taong 2014.

Maliban kasi sa mga natanggap niyang premyo sa nasabing patimpalak ay sunod-sunod rin ang mga proyekto na kaniyang ginawa kagaya na lamang ng mga song recordings at TV commercials.

Isa rin sa pinagkaka-abalahan ngayon ni Lyca ay ang pag-gawa ng vlog sa YouTube.

Kaya naman, biglang guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya at nakalipat rin agad sa bago nilang bahay.

Ganoon pa man, hindi pa rin nakakalimutan ng batang singer ang lugar na kaniyang pinanggalingan.

At ang mga bagay na ginagawa niya noon bago pa man siya makilala sa industriya ng showbiz.

Sa katunayan ay lagi niyang binabalik-balikan ang lugar kung saan siya lumaki.

Makikita sa kaniyang Youtube vlog ang payak nilang pamumuhay noon sa tagpi-tagping bahay na matatagpuan malapit sa dagat.

Pati na rin ang pangangalakal niya noon ay hinding hindi aniya makakalimutan ni Lyca.

Kaya naman ng may makilala siyang isang matandang babae ay agad niya itong tinulungan.

Ayon kasi kay Lyca ay nakikita niya ang kanyang sarili sa matanda na kinilalang si Lola Ising.

Namumuhay kasi ang matanda sa tabing ilog at tanging pangangalakal lang din ang kanyang ikinabubuhay.

Nang makita daw ni Lyca si Lola Ising ay parang nabiyak ang kanyang puso.

Kaya naman pinilit niyang ipahanap ito sa kanyang Team Charan upang maabutan ng tulong.

Binilhan ni Lyca ng mga grocery, pagkain at mga prutas si Lola Ising at personal niya itong dinala sa tahanan ng matanda.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

The post Lyca Gairanod, inaming binenta ang bahay na napanalunan sa ‘The Voice Kids’ at bumalik sa kanilang lumang bahay appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments