Kamakailan lang ay nagpaunlak si Derek Ramsay ng exclusive interview sa Youtube channel ni Ogie Diaz. Sa kanyang interview, ibinahagi ni Derek ang ‘stress’ na naranasan ng kanyang fiance sa lock-in taping ng sitcom nito na “John en Ellen.” Dahil daw sa maling swabbing test na mayroong false positive result, labis na stress ang idinulot nito kay Ellen.
Ayon kay Derek, nagkamali ang kumpanya na nag-swab sa mga cast dahil ang stick na ginamit nito kay Ellen ay mayroong dead coronavirus. Ito ang dahilan kung kaya naman nagkaroon ng false positive result si Ellen.
Kinailangan pa nitong mag-take muli ng dalawang tests upang masigurado na negative siya sa COVID-19.
“Umamin naman yung kumpanya na nagkamali sila. Pero dahil dun, imagine mo naman ‘yung emotional stress ni Ellen.
“Nanigurado pa rin siya, kasi pagkatapos nung test na ‘yun, nagpa-test pa siya dalawang beses dun, negative pa. Tapos pag-uwi PCR, tapos lahat ng tao dito sa bahay, PCR. So, imagine mo ang laki ng nagastos namin diyan,” pahayag ni Derek.
Dahil dito ay hindi rin nakita at nakasama ni Ellen ang kanyang anak na si Elias sa loob ng 20 days. Mas pinili raw nito na mapalayo muna sa anak upang makasigurado na ligtas ang kalusugan nito. Saksi mismo si Derek sa stress at kalungkutan na dinanas ng fiance dahil sa insidenteng ito.
“Ang pinakamalala dun, hindi nakita ni Ellen si Elias ng 21 days na kahit nag-PCR at negative siya. Sinigurado niya na tinapos niya muna 20 days na hindi niya pinabalik si Elias dito sa bahay. So, imagine for a mother to be away from her son for 20 days. That’s very very stressful for her.”
Sa ngayon ay mayroong pending complaint si Ellen sa kumpanya na nag-swab test sa kanya. Nilinaw rin ni Derek na wala ditong kinalaman ang production staff at cast ng “John en Ellen,” dahil ang swabbing company lamang ang nagkamali sa insidenteng ito.
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
Ellen Adarna, halos 20days hindi nakita ang anak na si Elias dahil sa ‘false possitive’ results
Ibinahagi ni Derek Ramsay ang naging resulta ng false positive result sa kanyang fiancee na si Ellen Adarna.
Sa panayam ni Ogie Diaz kay Derek Ramsay, marami ang nailahad ng aktor.
Patungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna.
At ang isa dito ay ang maling resulta ng exit test kay Ellen Adarna na labis na ikinabahala ng aktres.
Ayon kay Derek, isang ‘positive control stick’ umano ang nagamit sa test ni Ellen kaya lumabas ito na positibo.
Ipinarating nila itong complain na ito ni Ellen sa kumpanyang iyon, at inamin naman daw nila ang pagkakamali nila ito.
“Umamin naman ‘yung kumpanya na nagkamali sila. Pero dahil dun, imagine mo naman ‘yung emotional stress ni Ellen. Nanigurado pa rin siya, kasi pagkatapos nung test na ‘yun, nagpa-test pa siya dalawang beses dun, negative na. Tapos pag-uwi PCR, tapos lahat ng tao dito sa bahay, PCR. So, imagine mo ang laki nagastos namin diyan,” pahayag ni Derek.
“Ang pinakamalala dun, hindi nakita ni Ellen si Elias ng 21 days na kahit nag-PCR at negative siya, sinigurado niya na tinapos niya muna 20 days na hindi niya pinabalik si Elias dito sa bahay.
“So, imagine for a mother to be away from her son for 20 days. That’s very very stressful for her,” saad ni Derek.
Kaya may pending complain ngayon si Ellen sa kumpanya nung nag-swab sa kanya at sa kanyang PA. Nilinaw naman nina Ellen at Derek na labas dito ang production ng John en Ellen, dahil pagkakamali ito ng kumpanyang iyon.
Labis na nag-iingat si Ellen para na rin sa anak niyang si Elias na 20 araw niyang hindi nakasama dahil sa kontrobersyal na taping.
Panoorin dito ang kabuuan ng panayam:
The post Ellen Adarna, Labis ang Stress Matapos Di Makita ang Anak ng 20 Days Dahil sa False Positive Result ng Swab appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments