Looking For Anything Specific?

Gerald Anderson, inaming sinusubukan parin makausap ang ex-girlfriend na si Bea Alonzo para humihingi ng kapatawaran

Gerald Anderson, aminadong gusto makausap muli ang kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo!

Isa sa nga naging pinaka kontrobersyal na hiwalayan sa showbiz ang break up nina Gerald at Bea. Hanggang sa ngayon, tila malaking issue pa din ito sa showbiz world.

Kamakailan lamang, masayang ibinahagi ni Bea at ng kanyang bagong nobyo na si Dominic Roque ang kanilang pag-iibigan.

Matagal ding nanahimik ang aktres tungkol sa kanyang love life matapos ang maingay na break up nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Pero matapos ang ilang linggo nang isiwalat ng multi awarded actress ang kanyang bagong pag-ibig, tahasang inamin ni Gerald na handa siyang makausap muli ang dating girlfriend para humingi ng tawad.

Sa naging interview sa kanya ng King of Talk Show na si Boy Abunda, diretsahang sinagot ng aktor kung willing ba siya mag reach out kay Bea at sa bagong boyfriend nito na si Dominic.

“This is the elephant in the room again,” paunang sabi ni Tito Boy. “But would you reach out to Bea and to Dominic?” diretsahang tanong nito.

Walang ano pa, sumagot naman si Gerald na naging rason ng pag trend niya muli online.

“More siguro kay Bea. I mean, wag na po siguro tayong mandamay ng ibang tao but I really prayed na sana, I really hope.”

“She will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nagho-hope lang po ako,” dagdag pa nito.

 

Anong masasabi mo rito? Muli nga bang magkakausap sina Bea at Gerald?

Prangkang mensahe ng nanay ni Gerald Anderson para kay Julia Barretto noon, naungkat muli

Pinag usapan muli sa social media ang prangkang komento noon ng ina ni Gerald Anderson na si Mrs. Evangeline Opsima tungkol kay Bea Alonzo at Julia Barreto.

Kung inyong matatandaan, pinagusapan ng husto ng mag netizens ang mga matapang na pahayag ni Mommy Vangie.

Tungkol ito sa mga babaeng na-link sa kanyang anak na si Gerald.

Mula naman sa panayam noon sa ABS-CBN ay sinabihan noon ni Evangeline Opsima si Julia na malayo ang agwat ng edad para sa kanyang anak. Sinabi nito na hindi siya kumpiyansa na magtatagal ang relasyon nilang dalawa.

Si Julia ang itinuturong third party noon sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Nagkapareha sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong Mayo 2019.

Si Bea mismo ang nag-anunsiyo sa panloloko diumano sa kanya ni Gerald sa pamamagitan ng isang cyptic post sa Instagram.

Ito ay matapos mag-viral ang mga larawan at videos nina Gerald at Julia na dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa Bonifacio Global City, Taguig.

 

Mensahe ni Mommy Vangie kay Julia,

“Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita. No.

“Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please, ayaw ko kasi may edad na rin Gerald sa ‘yo.

“Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya ka rin.”

 

Walong taon ang tanda ni Gerald kay Julia.

Matatandaan na noong 2019 ay naging laman ng mga pahayagan ang love triangle issue sa pagitan ng tatlong artista.

Dalawang taon matapos ang nasabing isyu ay umamin si Gerald na siya ay may relasyon nga kay Julia.

Sa ngayon ay mukhang going strong naman ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, nagigng open narin sila sa public tungkol sa mga ilang kaganapan sa kanilang buhay.

Narito ang pahayag noon ni Mommy Vangie:

Anong say mo dito?

The post Gerald Anderson, inaming sinusubukan parin makausap ang ex-girlfriend na si Bea Alonzo para humihingi ng kapatawaran appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments