Ang tapang!
Trending ngayon ang post ng ina ni Heaven Peralejo natapos nitong i-call out si DJ Chacha!
Nitong mga nakalipas na linggo, trending ang pangalan ni Heaven Peralejo matapos aminin ang kanyang relationship kay Kiko Estrada.
Si Heaven kasi ang tinuturong dahilan umano ng break up ng dating showbiz couple na sina Kiko Estrada at Devon Seron.

Umusbong ang issue nang mag post ng cryptic posts ang nakakatandang kapatid ni Devon at maging ang mga kaibigan nito.

Matatandaan na mariing itinanggi ni Heaven ang mga paratang sa kanya ng mga fans ni Devon.

Ngunit nito lamang, nag all out na ang bagong couple at nag post pa ng sweet photos nila magkasama.

Kaugnay nito, nag post ng cryptic post sa kanyang Twitter ang radio DJ na si DJ Chacha tungol sa “pang-aagaw.”

Payo ni DJ Chacha sa kanyang trending Twitter post, “Wag niyong kaugalian ang mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba.”

Agad naman umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang radio DJ. Partikular na dito ang mga fans ni Heaven na agad pinagtanggol ang dalaga.

Pero buwelta niya, wala naman daw siyang sinabing pangalan sa naturang post.

Matapos ang ilang araw, nag reak naman ang nanay ni Heaven at diretsahang minention ang pangalan ni DJ Chacha.

“Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @dj_chacha”

If the shoe fits, feel free to wear it! Sagot ng mga netizens!
Heaven Peralejo at Devon Seron, nagparinigan ngayon sa kanilang mga IG Account

Ang maikling caption ng mga Instagram posts nina Heaven Peralejo at Devon Seron ay binigyan ng kulay at kahulugan ng mga Netizens.
Noong Lunes, August 16, nagbahagi si Heaven ng dalawang larawan niya sa Instagram.
Sa caption ay tila kinumusta niya ang kanyang followers: “How’s your day?”
Inulan naman ng puro snake emojis ang comment section ng post na ito ni Heaven. Kaya naman nag-turn off commenting na ang aktres.

Samantala, noong Martes, August 17, nag-post naman si Devon sa Instagram ng black and white photo niya.

Caption ng aktres: “I’m doing great, sweetie.”
Ang agad na basa ng mga Netizens dito ay sarkastikong sagot niya ito sa “pangungumustang” post ni Heaven.

Pero wala namang direktang tinukoy si Devon kung para kanino ang kanyang caption.

At kung naka-off ang comment section ng IG ni Heaven, ay open naman ang kay Devon kaya’t binaha rin ito ng comments.


Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Ganda niya yung ang simple lang niya talaga pero may angkin siyang ganda “
“Gandaaaa mukhang anghel! Ito mukhang demonyo @heavenperalejo.”
“Gandang hindi mang aagaw. I’m starting to appreciate her beauty.”
“Lol eto pala yung answer nya sa ‘how’s your day?’ post nung girl.”
Ilang araw na rin ang nagdaan nang kumpirmahin nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpost ng sweet photos sa kani-kanilang social media pages. May palitan pa sila ng I love you’s.
Si Kiko ang ex-boyfriend ni Devon. Early this year ay very much in love pa ang dalawa. Nag-iba ang hangin bandang Marso habang nasa lock-in taping ng teleseryeng Bagong Umaga ang nobyo kasama ang noo’y onscreen partner pa lang na si Heaven.
The post Ina ni Heaven Peralejo, pinarangka si DJ Chacha dahil umano sa Cryptic Post nito tungkol sa ‘mang-aagaw’ appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments