Naalala niyo pa ba ang gumanap na Marimar at Rosalinda noon? Maganda at mukhang bata pa din siya ngayon!
Ang Marimar at Rosalinda ay dalawa sa mga kinahumalingan na Mexican Telenovela noon. Malamang ang inyong mga tita ay naging fan din ng mga ito noong dekada 90.

Ang Marimar ay unang inere sa Mexico noong January 31, 1994. Sa katunayan, nagkaroon ito ng Philippine adaptation na ginampanan ni Marian Rivera ang lead role.

Pero ang original na gumanap nito ay walang iba kung hindi si Thalia. Ang babaeng pinaibig ang maraming kalalakihan mula noon hanggang ngayon.
Sa katunayan nga niyan ay nagdiwang na siya ng 50th birthday. Katulad ng inaasahan, nanatili ang kagandahan ng mukha maging ang hubog ng katawan ni Marimar.

Si Thalia o Ariadna ThalÃa Sodi Miranda Mottola ay isang singer, business woman at former actress. Ipinanganak siya noong August 26, 1971.

Limang dekada na ang nakakalipas pero ang very young looking pa din ang Marimar at Rosalinda star.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi ng mga larawan si Thalia kasama ang kanyang number 50 balloon standee.

Mukha lang siyang nag celebrate ng 18th birthday dahil bagets na bagets ang kanyang aura at outfit na kuha sa pool side.


Ang kanyang mga Pinoy fans ay masaya din siyang binati at karamihan sa kanila ay pinupuri ang natural niyang ganda.
Happy 50th Birthday, Marimar!
Lloydie, ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay sa kaarawan ng kanyang lolo Luisito Cruz
Isa man sa mga A-List actor si John Lloyd Cruz. Ipinaranas pa din niya sa kanyang unico hijo ang simpleng pamumuhay.
Sa bibihirang pagkakataon, nagbahagi si John Lloyd ng larawan nila ng kanyang anak na si Elias. Ito ay sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ama na si Luisito Cruz.
Sa kanyang post sa Instagram ay nagpasalamat si John Lloyd sa kanyang ama. Kasabay ng pagbati nito “Salamat daddy, happy birthday!” ang caption habang nasa isang kubo sila.

Lahat sila ay nakapambahay lang ng suot at parang nasa isang resort. Hawak din ni John Lloyd ang saging na tila pinapakain niya kay Elias.
Dumagsa naman ang pagbati sa tatay Sito ni John Lloyd. Ilan sa mga bumati ay ang magkasintahan na sina Maja Salvador at Rambo Nunez.

“Happy Birthday Daddy!!! We Love you,” saad ni Maja
“Happy Birthday Tito,” komento naman ni Rambo.
“Awww Happy Birthday to your dad. Blessings always! God always makes something new,” pagbati naman ni Karen Davila.

Biniro naman ng isang netizen si Karen kung hindi daw ba niya ka-birthday ang ama ni John Lloyd.

Saad ng nasabing netizen, “@iamkarendavila Ms. Karen, ndi mo po ba sya kabirthay? Joke lang po haha.”

Matatandaan kasi na nag-viral ang video nila ni Lyca Gairanod kamakailan.Nang parehas silang nagulat na pareho pala ang kanilang birthday.

Samantala, umani naman ng libo-libong likes ang post ni John Lloyd. Umabot na ito sa halos 56 thousand likes.

Marami ang natuwa dahil bihira lang magbahagi si John Lloyd tungkol sa kanyang pribadong buhay. Pati na rin sa mga simpleng bagay na itinuturo nito sa anak nila ni Ellen Adarna.
The post Gumanap na Rosalinda at Marimar noon masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-50 na kaarawan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments