Looking For Anything Specific?

Heart Evangelista inaming napipikon ang mister na si Chiz Ecsudero tuwing nagsha-shopping siya ng mamahaling gamit

Ibinahagi ni Heart Evangelista ang reaksyon ng kanyang mister na si Chiz Escudero tuwing nagsha-shopping siya.

Kilala si Heart bilang isa sa pinakasosyal na aktres sa bansa. Dahil sa pagkahilig nito sa mga mamahaling bagay.

Sa kanilang panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng Kapuso actress na minsan na ding napikon ang kanyang mister sa kanyang pamimili.

Tulad ng mga normal couples, may mga bagay na pinagtatalunan din sina Chiz at Heart. Sa nasabing panayam, naitanong ni Karen kung ano ang biggest struggle sa kanilang marriage.

“For her to learn yung discipline and maturity and respect to the money that she earns and spends,” saad ni Chiz. Na agad namang sinagot ni Heart ng, “I understand.”

“It’s funny, but then, we are so opposites,” panimula ni Heart na nagbalik tanaw pa sa mga reaksyon noon ni Chiz. Sa tuwing nagsha-shopping siya.

Paglalahad pa nga ng aktres, “When I shop? Napipikon siya.”

“Before, not anymore. Napipikon siya sakin like, ‘Ilang bibig na napakain mo diyan?’ gaganunin niya ako eh sapatos lang yun. Syempre I’d hide everything, right?” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Heart ay naman daw niya sa kanyang mga magulang ang hilig sa pagshopping. “Yun yung language of love ko rin. Even for me, I like to gift him with stuff.”

“Pero siya, I don’t get the reaction that I want, so it pisses me off, diba? Parang naiinis ako, parang, ‘Bakit ganun? Hindi ba siya nagce-care?’ so it’s really in the beginning, dun kami nagbabanggaan.”

Ayon kay Heart, marami raw syang natutunan kay Chiz at kabilang na rito ang pagpapahalaga sa pera, na kahit nakasale ang isang bagay at kahit gaano nya ito kagusto ay hindi niya ito bibilhin kung hindi niya naman ito kailangan.

Narito ang kanilang interview:

Heart Evangelista, Ibinahagi Kung Bakit Hindi Siya Mabuntis Ng Kanyang Mister Na Si Chiz Escudero

Sa latest vlog ni Heart Evangelista, nagsalita na tungkol sa mga paratang na kung saan nabuntis di umano siya nung siya ay dalaga pa.

Sagot ng aktres, hindi siya nabuntis noong siya ay dalaga pa, ngunit kung nangyari umano ay kanyang aalagaan dahil ito ay biyaya galing sa Panginoon.

“Definitely, no. But if I had a baby whether when I was your or whether I was expecting or not, I always believe that a baby is a blessing,” ani Heart.

“No, I was never married before. But I thought of getting married a couple of times,” dagdag pa niya.

“I did get a ring, but it was just a promise ring. It was shaped like a heart, and they used thre diamonds cut to be shaped like a heart—like an illusion diamond,” paliwanag ng aktres.

“And I remember when I got my engagement ring, it was a whole shaped diamond ring. And then I remember Chiz (Escudero) said, ‘Oh! Buo na yan!’ I found that cute, and it was funny,” dagdag pa niya.

Sinagot din niya ang tanong na kung saan hindi na umano sila nagtatabi ng kanyang asawang si Chiz sa isang higaan.

“Of course we share the same room! Minsan minsan na ng lang kami magsama, ‘di pa kami magshe-share?,” sabi pa niya.

Mismong si Heart na nagsabi na takot siyang mabuntis.

“To be honest with you, I am because this is my job, I am not going to deny that,” sabi pa niya.

“But for me not to want to have a baby because of that, it’s a no. Parang hindi naman ganu’n kagrabe. That was my fear before, but the moment I got pregnant, welcome ko naman siya, so I know it’s not an issue for me.” dagdag pa niya.

“Grabe ka naman, breastfeeding makes you lose weight, ‘di ba? That’s if mabubuntis ako! E, ang tagal ko na ngang ‘di nabubuntis. Ano ba ‘to!” sabi pa niya.

“Malapit na! After ng pandemic, mag-o-option C na ako. Nag-B na ako, so C na ako. Bigyan lang natin ng chance. Kasi nga, kapag dumarating na si Chiz, tapos na ‘yung week na fertile ako. Nakakainis!” pahayag ng aktres.

“You know, it’s not easy to get pregnant, ha! You only have a few days, the window is three to five days. Pero kapag nagkabagyo at nandu’n si Chiz, o, selfish ba ako? Pag nandu’n siya, magda-drive ba siya dito ng nine hours para nandito siya sa window na fertile ako?” dagdag pa niya.

“Mahirap talaga ang situation pero after the pandemic, maghintay lang kayo. And stop asking if I am buntis or if I have a baby bump kasi BonChon nga lang yan!” dagdag pa niya.

“Sometimes it makes me sad, but I’ve accepted it because I am grateful for my life, and I know it will happen!,” huling sagot niya.

Panoorin ang buong video:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.

The post Heart Evangelista inaming napipikon ang mister na si Chiz Ecsudero tuwing nagsha-shopping siya ng mamahaling gamit appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments