Looking For Anything Specific?

Jovit Baldivino nais makuha ang kostudiya ng anak sa dating asawang si Shara Chavez

Matagal ng nangungulila ang singer na si Jovit Baldivino sa kanyang anak sa dating kinakasamang si Shara Chavez Cruzat.

Ikinagulat ng ilang mga netizens ang bali-balita tungkol sa dating asawa ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez.

Ilang investor kasi ang nagpahayag na sila daw ay na-scam ng ‘SCET Colleens Corporation na pagmamay-ari diumano ni Shara.

Ayon sa ilang ulat ay mahigit 8,000 daw na katao ang naging biktima ng kumpanya ni Shara na nag-aalok ng investment sa kanilang mga kliyente.

May ilang netizen ang milyong piso ang nawala matapos silang mag invest sa SCET colleens na nangangako ng 15-20% na tubo kada buwan.

Kaya naman dahil dito ay nagbigay na ng kanyang saloobin si Jovit Baldivino.

Panimula ni Jovit sa kanyang Facebook post, “Mawalang galang na po matagal at wala na po akong connection sa kanya.

Hindi ko nga po alam kung nasaan siya kahit nga po anak ko hindi na niya pinakita sa akin,”

“Kung ano man pong lumabas na issue o pang i-scam niya, hindi na po bago yun, hehehe. Wala po akong pakialam dyan, problema nya yan at siguro naman po alam nyo na ang tunay na pagkatao niya.

“Ang sa akin lang po e makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama kasi matagal na niya itinatago sa akin syempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko,”

Matagal na umanong nangungulila sa anak ang mang-aawit matapos ilayo ng dating kapareha mula sa kaniya.

Kuwento pa nito, palagi siyang nakakaramdam ng pag-aalala sa anak. At nais na niyang malaman kung malaki na ba ito o madaldal na.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Netizens, Usap-Usapan Ang Dating Girlfriend Ni Jovit Baldivino Dahil Sa Kaniyang Matinding Glow Up

“Balik-alindog program” ang madalas itawag ng mga kababaihan sa kanilang mga pagbabago matapos dumaan sa matinding hiwalayan mula sa kanilang mga dating nobyo at asawa.

Ito ay tila isa sa mga paraan ng mga kababaihan upang lubusang ipakita ang kanilang “pagmomove-on” sa kanilang nakaraan.

Isa na sa mga babaeng nakaranas ng balik-alindog program na ito ay ang dating kinaksama ng Pilipinas Got Talent ex-winner, Jovit Baldivino.

Matatandaang tumimasa ng batikos sa madla si Jovit Baldivino dahil sa mga kabi-kabilang isyu nito; at isa na roon ay ang hiwalayan nila ni Shara Chavez.

Marami ang nagsasabi na ang pangagaliwa ni Jovit, kahit pa sila ay may tatlong gulang na anak, ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Ngunit gayunpaman, masaya na sa kasalukuyan at sa kani-kanilang mga buhay ang dalawa.

At ang kasiyahang iyon ay bakas sa mga Instagram post ni Shara Chavez. Malaki ang pisikal na pagbabago nito. Mas pumayat, at talaga namang mas gumanda si Shara. Maraming mga netizen ang nagsasabi na marahil ay nagsagawa ng plastic surgery ang dating asawa ni Jovit dahil sa pagkakaroon nito ng hawig sa artistang si Kathyrn Bernardo.

Ngunit maliban sa pisikal na pagbabago ng anyo ni Shara ay kapansin-pansin din ang pagbabago ng aura nito. Tila ba ay umaliwalas at mas naging positibo ang anyo nito at nawala ang mga stress sa kaniyang buhay.

Maraming mga taga-hanga at taga-suporta ni Shara ang nagsasabi na kaya’t mas lalo siyang gumanda ay dahil wala na ang nagbibigay ng sama ng loob sa dalaga; ang dating asawa nito na si Jovit Baldivino.

Sa ngayon, maraming mga kababaihan ang ginagawang inspirasyon ang pagbabago kay Shara. Dahil hindi lamang pisikal na pagbabago ang bakas dito kundi ang katapangan at ang kakayahan na maging masaya matapos humarap sa isang malaking dagok at pagsubok ng buhay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Jovit Baldivino nais makuha ang kostudiya ng anak sa dating asawang si Shara Chavez appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments