Ang respeto sa isang tao ay ang pinakamahalagang bagay na maaring maibigay ng kaniyang kapwa. Mayaman man o mahirap, ang respeto ay isang bagay na dapat na pantay sa lahat ng oras.
Ngunit sa kasalukuyang panahon, tila ang kayamanan na ang sumusukat sa halaga ng isang kapwa. Ang respeto ay nakadepende na sa perang hawak nito.
Katulad na lamang nang magwithdraw ang isang matanda sa bangko ng sampung dolyar lamang. Tila nainis ang bank teller na nag-aasikaso dito kaya naman sinimangutan niya ito.

“Ang mga isang libong dolyar pababa ang wiwithdrawin ay maaring gumamit na lamang ng atm,” saad nito at padabog na bumalik sa kaniyang istasyon.
‘Napakaraming kailangan asikasuhin, dumadagdag pa’ bulong nito at umirap sa matanda.
Ngunit, imbis na umalis ay ibinalik muli nito ang kaniyang card sa bank teller at sinabing kung ganoon pala ang patakaran ng bangko na iyon ay kukunin na lamang niya ang kaniyang pera.
Walang nagawa ang bank teller kundi kunin muli ang card nito, doon ito nagulat sa laman ng kaniyang account.

Limang-daang libong dolyar ang laman ng account nito at sa kasalukuyan ay walang laman ang vault ng bangko.
Kinausap ng bank teller ang kaniyang manager at doon ipinaliwanag na maaring bumalik ito kinabukasan upang mawithdraw ang kaniyang pera.
Muling tinanong ng bank teller ang matanda kung ano pa ang kailangan nito kaya’t sumagot ito na magwiwithdraw siya ng 4995 na dolyar.
Tila nainis ang teller dahil may butal ang pinawithdraw nito, ngunit wala itong nagawa kundi ibigay sa matanda ang kaniyang request.

Nang maibigay ng bank teller ang pera ng matanda ay kinuha lamang nito ang 10 dolyar at ibinalik sa bank teller ang 4985 na dolyar upang ibalik sa kaniyang bank account.
Tila lalong nagalit ang bank teller kaya’t pumunta na ang manager nito upang tignan kung ano ba ang problema.
Doon ipinaliwanag ng matanda na kung pinayagan lamang siya iwithdraw ng teller ang sampung dolyar na nais niyang iwithdraw una pa lang, sana ay hindi na sila umabot nang ganoon katagal.
Ang pagmamataas umano ng bank teller at kawalan nito ng respeto sa kaniya dahil lamang sa maliit na halagang nais niyang iwithdraw ang dahilan ng mahabang diskusyon.

Sinabi ng matanda na ipapawithdraw na niya kinabukasan ang lahat ng kaniyang pera sa bangko na iyon at hahanap ng bagong bangko, kung saan mayroong respeto ang mga trabahador nito sa kanilang mga customer.
Watch | Ina, Sinåmpal at Sinåbunutan ng Sarili Niyang Anak!

Ang ina ay isang ilaw ng tahanan na nagbibigay ng liwanag sa pamilya. Kung hindi dahil sa ina, ay hindi tayo isisiling sa mundong ibabaw. Sakripisyo ang ibinibigay nila sa atin simula ng tayo ay ipininganak ng ating mga ina hanggang sa huling hininga nila. Kaya naman wala tayong karapatan na såktan ang ating ina kahit ano pa ang dahilan.

Viral naman ngayon ang isang video na kuha ni Ma Shiela Degamo Palma. Labis ang gålit ng mga netizen na nakapanood ng video dahil sa ginawa ng anak sa kanyang ina.
Mapapanood kung paano sinåmpal at sinåbunutan ang isang ina ng kanyang sariling anak. Hindi naman gumaganti ang ina. Sa video ay maririnig ang malakas na sigawan at tila may pinag-aåwayan. Ngunit kahit na ano pa ang dulot ng kanilang pag-aåway, ay wala pa rin siyang karapatan na såktan o pagbuhatan ng kamay ang sarili niya ina.
Marami naman ang nagkomento at nakapagbitiw ng hindi magagandang salita sa anak marahil dahil sa galït na kanilang nararamdaman. May mga netizen naman ang nagkokomento ng programang Raffy Tulfo in Acti0n at nananawagan na sana ay mabigyan ng leksyon ang anak na nasa video sa ginawa nito sa kanyang ina.
The post Inalipusta ng cashier na ito ang isang matandang babae sa bangko, ngunit agad siyang nagsisi ng makita ang bagay na ito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed



0 Comments