Naawa ang dating aktres at Wowowee Dancer na si RR Enriquez kay Mark Herras.
Ito ay dahil sa ginawang pamamahiya umano ng manager nito na si Lolit Solis sa aktor.
Kamakailan nga lang ay naging usap-usapan ang pahayag ni Lolit Solis laban kay Mark Herras.
Ibinahagi kasi ng beteranang talent manager at manunulat na nangutang umano si Mark sa kanya ng 30 thousand pesos.

Ayon kay Lolit tinawagan siya ni Mark para angutang pang bili ng gatas ng anak nito na 6mos.old na ngayon.

Bago pautangin ni Manay Lolit si Mark ay nakatikim muna ito ng sermon sa kanya

Hanggang sa ikinumpara pa ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na kasabayan nito sa Starstruck.

Marami naman ang hindi natuwa sa pagbabahaging ito ni Lolit. Saad pa nga ng ilan ay ipinahiya ni Lolit ang kanyang alaga sa social media.

At isa nga sa hindi natuwa at naawa kay Mark ay si RR Enriquez.

Sa kanyang Instagram post, diretsahang binatikos ni RR si Manay Lolit dahil sa pagbubulgar nito ng pangungutang ni Mark.

Saad ni RR, “Totoo ba ito? Kung totoo man. Gusto ko makisawsaw. Alam mo Lolit Solis Ang tanda mo na 70plus ka na pero chismosa ka pa din. Yung konti na lang ilalagi mo sa mundong ito hindi ka pa gumawa ng kabutihan! Gusto mo yung bida bida ka pa din?”
Dagdag pa ni RR, “I feel sorry for Mark Herras! Imagine he trusted you bilang manager nya. Nanghiram sayo ng 30k kasi lugmok yung tao tapos ikaw lalo mo pa nilugmog sa kahihiyan.”
Sinumbatan din ni RR si Lolit at sinabing malaki na ang kinita nito kay Mark bilang manager nito.
Narito ang kabuuan ng post ni RR Enriquez:
Kilalang kapuso aktor, nanghiram ng P30k kay Lolit Solis para sa pambili ng gatas umano ng anak nito
Ibinahagi ng beteranang talent manager at manunulat na si Lolit Solis ang pangungutang sa kanya ni Mark Herras.
Saad ni Manay Lolit tinawagan umano siya ni Mark para mangutang ng thirty thousand pesos.

Pangdadag umano sa pangbili ng pangangailangan ng 6mos. old na anak nila ni Nicole Donesa.
“‘Nay, pambili ng gatas (formula milk) ng anak ko,” pakiusap umano ni Mark Herras.

Bago pautangin ni Manay Lolit si Mark ay nakatikim muna ito ng sermon sa kanya.
“Sabi ko talaga, Thirty thousand lang, wala ka? Eh, buti pa pala ‘yung PA [personal assistant ko], may P50,000! Naku, talagang inalipusta ko siya!”

Hanggang sa ikinumpara pa ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na kasabayan nito sa Starstruck.

Ang layo na umano ng agwat ng karera ni Jennylyn kung ikukumpara kay Mark na halos wala ng proyekto ngayon.

Ngunit para kumalma si Manay Lolit sinabi umano ni Mark na may parating siyang trabaho nitong Agosto.

“Sa August pa kasi magsisimula ‘yung lock-in taping ko. By then, ‘Nay, makakaluwag-luwag na’ko. Don’t worry.”

Ngunit hindi pa din nagpatinag si Lolit at sinabing huwag umanong pakakasiguro si Mark.

“Mark, huwag ka pakasiguro. Si ano nga [pointing to her other male ward], nag-lock-in taping, nu’ng matapos, na-shelve ang project!’ Ang ibig ko lang i-point out particularly sa kanya, mag-focus siya sa trabaho niya. Kaso, hindi! Look, naungusan na tuloy siya. All the more na may responsibilidad ka na, dapat kang magsipag!” saad ni Manay Lolit.
Sa huli ay pinaheram pa din ni Lolit ang alaga makatapos ang mahabang sermon.
The post RR Enriquez, naawa kay Mark Heraas, dahil umano sa ginawang pamamahiya ni Lolit Solis sa pangungutang nito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments