Looking For Anything Specific?

Influencer na si Mika Salamanca, emosyonal na ibinahagi ang pagkabangga sa kanyang bagong gawa na sasakyan na nagkakahalaga ng P1-M

Naging emosyonal ang internet personality na si Mika Salamanca sa nangyari sa kanyang brand new car.

Kilala si Mika bilang isang singer at social media influencer. Mayroon siyang mahigit 4.09 million subscribers sa YouTube, 8.2 million followers sa TikTok, at 2.9 million followers sa Instagram.

 

Nag-umpisa si Mika sa pagiging vlogger sa YouTube noong 2014, pero 2018 nang isapubliko niya ang kanyang mga video.

At magmula nga noon ay lagi na siyang nagbabahagi ng iba’t-ibang content sa kanyang YouTube channel.

At isa sa mga katas ng kanyang pagiging vlogger ay ang kanyang bagong sasakyan na pinangalanan niyang Loki.

Pina-customize niya din ito sa Autobot Autoworks Off Road.

 

Masaya pang ibinahagi ni Mika ang kinalabasan ng kanyang baby Loki at ibabahagi niya sana sa kanyang vlog ang transformation nito.

 

Ngunit sa kasamaang palad ay nabangga umano ng motorsiklo ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng milyong piso.

Anjo Yllana hindi nag-atubiling tulungan ang dalawang riders na naaksidente sa Camarines Sur na agad umani ng mga papuri

Ipinamalas ni Anjo Yllana ang kanyang pagiging public servant sa isang insidenteng naganap sa Camarines Sur.

Hindi nagdalawang isip ang aktor at host ng Happy Time na si Anjo Yllana na tulungan ang dalawang motorcycle rider.

Sa pamamagitan ng post niya sa Facebook ay ibinahagi ni Anjo ang pagtulong niya sa naganap na aksidente sa daan.

“Attending to casualties of motorcycle vs truck vehicular acc1dent in Sipocot, Camsur,” saad ni Anjo.

Nagbigay din siya ng paalala sa mga motorista, “Please lang sa mga nagmomotor hindi po parte ng motor ang katawan niyo lagi kayo magiingat po.”

Pinasalamatan din ni Anjo ang kawani ng CamSur na si Governor Migz Villafuerte.

Sa mabilis na pag-aksyon nito para sa mga biktima.

Sa sumunod naman na post ay makikita ang isang video kung saan tumulong si Anjo sa trapiko na dulot ng insidente.

Samantala, marami naman ang humanga sa pagiging matulungin ni Anjo.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ever the humanitarian!”

“Hindi nawala ang pagiging public servant ni sir”

“Salute sir Anjo always ready to help”

“dugong scouts ka talaga brod mabuhay ka”

“Boy scout laging handa ang peg bro”

Nasa Bicol ngayon si Anjo kasama ang kanyang kapatid na si Jomari Yllana at kasintahan nitong si Abby Viduya.

Pinapaayos umano ng magkapatid ang kanilang ancestral home sa nasabing lugar.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang pinagkaka-abalahan nila doon.

Pabiro pa nga niyang ibinahagi na ang mga kapitbahay nila ngayon ay mga baka at kalabaw.

“Welcome to my humble house in the middle of the street (laughing emoji) meet my neighbours cows and carabaos (laughing emoji) @ Tinambac, Camarines Sur,” saad ni Anjo sa kanyang caption.

Kalakip nito ang mga litrato na kasama niya sina Jomari at Abby.

The post Influencer na si Mika Salamanca, emosyonal na ibinahagi ang pagkabangga sa kanyang bagong gawa na sasakyan na nagkakahalaga ng P1-M appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments