Looking For Anything Specific?

Isang Couple, ibinahagi sa publiko kung paano sila naging milyonaryo mula sa kanilang P100 na puhunan.

Isa sa mga sangkap upag magtagumpay ay ang pagsisikap, dahil alam naman natin na ang lahat ng bagay ay maaari natin makuha kung ito ay ating pagsusumikapan at paghihirapan.

Ang buhay natin ay hindi tulad ng isang mahika na isang hiling o pitik mo lang ay makukuha mo na kaya naman ang kinakailangan ay ang maging matiyaga at masipag.

Kung tutuusin ay marami na tayong mga istorya na nababasa patungkol sa mga tagumpay ng tao dahil sa kanilang pagsusumikap sa buhay.

Isa na nga dyan ay ang kwento kung paano naging matagumpay ay mag-asawang sina Reynante at Raquel Manimtim.

Maniniwala ba kayo na sa halagang P100 na Puhunan ay nagawa ng couple na ito ay palaguin at sa kasalukuyan ay kumikita na sila ng P50,000 kada araw.

Ayon sa kwento ng mag-asawa, noong araw ay isa lamang silang mga empleyado ng isang restaurant at kumikita kamang sila ng sapat sa pang araw-araw.

Dagdag pa ng mag-asawa, Isang araw daw ay may biglang lumapit sa kanila at nag-alok ng bahay at lupa na maaari nilang bayaran ng hulugan.

Agad naman itong tinanggap ng mag-asawa at pagkatapos nila itong mabayaran ay agad silang tumigil sa pagtatrabaho at nagsimula ng maliit na negosyo.

Gamit lamang ang P100 bilang puhunan kumikita lamang ang mag-asawa bawat araw ng halagang P150.

Napagdesisyunan naman ng mag-asawa na magdagdag ng iba pang matitindang pagkain upang lumaki ang kanilang kita. Nag-isip ang mag-asawa ng pagkain na tingin nila ay papatok sa Pinoy at ito nga ay ang Siomai.

Hindi alam ng mag-asawa na ang Siomaj pala ang magdadala sa kanila sa kahingawaan at tagumpay. Itinigil nila ang kanilang unang negosyo na Banana Cue at binigyan pansin na lamang ang siomai na kanilang binebenta dahil mas marami ang bumibili rito.

Hanggang sa nakaipon ang mag-asawa ng pera na sapat upang maipambili ng isang bisekleta na maaari nilang maganit sa kanilang paglalako.

Agad naman nila itong nilagyan ng side car upang doon ilagay ang kanilang paninda.

Sa tulong naman ng isang suhestiyon mula sa kanilang suki , maaari daw umutang ang mag-asawa sa bangko ng motorsiklo para maging mukang presentable ang kanilang negosyo at paninda.

Dahil sa paglago ng kanilang negosyo nabayaran nila ang utang na motorsiklo at hindi lang yan naisipan din nilang bumili ng mas marami pang motorsiklong may sidecar at dito nagsimula ang mag-asawa sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Kung dati ay kumikita lamang sila ng P150 kada araw ngayon ay isa nang milyonaryo ang mag-asawa at kumikita ng P50,000 kada araw sa kanilang panindang siomai.

Labis ang pasasalamat ng mag-asawa sa kanilang biyayang natatangap, bukod diyan ay natupad din ang kanilang pangarap na maikasal ng ayos sa simbahan.

Post a Comment

0 Comments