Kamakailan lang, tuluyan nang namaalam sa vlogging ang sikat na social media influencers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sa kanilang huling vlog, nagpaalam na ang Jamill sa kanilang mga fans sa Youtube. Ito’y matapos nilang i-delete ang kanilang Youtube channel na may mahigit 12 million suscribers na.
Ayon sa kanilang pahayag, nais muna nilang mag-focus sa kanilang personal na buhay kaya naman tumigil na sila sa vlogging.
Ilang araw matapos nilang i-delete ang kanilang channel ay naglabas naman ng pahayag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kasalukuyang iniimbestigahan nito ang sikat na vlogger na di umano’y kumikita ng P50-100 million ngunit hindi nagbabayad ng tax.


Kahit hindi ito pinangalanan ng BIR, napaisip ang mga fans kung ang Jamill nga ba ang tinutukoy nila. Binura nga ba nila ang kanilang Youtube channel kaugnay ng imbestigasyon ng BIR? Matapos ito ay muli na namang tumindi ang kontrobersyang bumabalot sa dalawa kamakailan lang.
Napabalitang binebenta na nila ang kanilang 2-storey mansion sa Nueva Ecija. Ilang real estate agent ang nag-post na for sale na ang kanilang mansyon, at magbibigay rin daw ng P100,000 na pabuya sa lucky sharer ng kanilang ad. Bukod sa kanilang mansyon ay ibinebenta na rin ang kanilang dalawang raptor, na binili ng Jamill noong 2017.

Dahil dito, napaisip ang mga fans sa totoong dahilan kung bakit ibinebenta ng Jamill ang kanilang mga ari-arian. Ayon sa iba, maaaring may kaugnayan ito sa imbestigasyon ng BIR. May mga netizens rin na napaisip kung hiwalay na nga ba ang dalawa.
Sa kabilang banda, ayon sa BIR ay mas maghihigpit ito sa pagpapatupad ng pagbabayad ng tax ng mga sikat na vloggers. Nais rin nilang patawan ng tax ang mga kumikita mula sa Axie Infinity.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
Bahay at sasakyan ng JaMill, ibinibenta na; Camille, may pahiwatig sa ‘future’ nila ng kanyang partner na si Jayzam?

Ano nga ba ang nangyayari sa relasyon nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ngayon?
Matapos nilang burahin ang kanilang YouTube channel nito lamang, for sale na din ngayon ang mga ari-arian ng couple vlogger.
Ayon sa dalawa, para daw sa ikabubuti ng kanilang relasyon ang dahilan kung bakit nila napag desisyunan na burahin na ang kanilang channel.

Kahit na naging usap usapan na naman sila sa social media, nanatili pa din tahimik sina Jayzam at Camille hanggang ngayon.

Ilang araw makalipas ay binebenta na ngayon ang kanilang mansion at mamahaling sasakyan.

Sa nga kumakalat na Facebook posts ngayon, for sale na ang naipundar na malaking bahay ng dalawa. Agad nakilala ng netizens ang bahay dahil naging parte na ng kanilang vlogs ang property.
Nagkaroon pa ng iba’t-ibang house tour videos ang dalawa na proud na ibinahagi ang kanilang milestone.
Pero hindi pa man nabebenta ang malaking bahay ng JaMill, naka post na din na for sale ang kanilang Jeep Wrangler.

Viral na naman sa social media ito at tulad ng inaasahan, hot topic na naman ang vlogger couple.

Sa kabilang banda, tila may pahiwatig umano si Camille sa kanyang social media tungkol sa kanilang relasyon.

May cryptic post kasi siya sa Instagram caption:
“No matter what happens in the future, no matter where our paths take us, this moment will be ours.”

Kalakip nito ay ay ang sweet photo nila ng kanyang boyfriend na si Jayzam.

Ano nga ba ang plano nina Jayzam at Camille para sa kanilang future?
The post Jamill, Binebenta na ang Mamahaling Ari-Arian! Tinatakasan nga ba ang BIR? appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments