Looking For Anything Specific?

Janus Del Prado, walang pagdadalawang isip na ibinunyag na binayaran ni Angel Locsin ang kanyang hospital bill na nagkakahalaga ng P150k

Real life Angel talaga ang aktres na si Angel Locsin.

Kilala ang Kapamilya star sa pagiging generous nito at isa na naman ang nag patunay ng kanyang totoong ugali.

Sa naging online interview ni Ogie Diaz kay Janus Del Prado sa YouTube channel ng talent manager, natanong ni Ogie kung paano maging kaibigan si Angel.

“Si Angel Locsin, paano makipag kaibigan ang isang Angel Locsin?” tanong ni Ogie kay Janus.

Agad naman sagot ng aktor, “Baka maiyak naman ako diba. Grabe yun, grabe yun si Gel. Alam mo, bagay na bagay sakanya yung pangalan niya. Sumakto duon yung mga magulang niya na pinangalanan siya nuon…”

Sa puntong ito, ibinahagi ni Janus kung paano siya tinulungan ni Angel noon nang magkasakit at maconfine sa ospital.

“Nuong nagka-tigdas ako nuong 2014, kakatapos na katatapos pa naman ng New Year, gulat ako kung paano niya nalaman. Pero tumawag kaagad siya, ‘Asang ospital ka? Pupuntahan kita.” pagbabahagi ni Janus.

Hindi man siya nabisita ni Angel noon dahil hindi pwede, ang aktres naman daw ang nagbayad ng buong hospital bill niya.

“Tapos ano, buong bill ko binayaran niya. Nasa mahigit… sorry ha, alam ko, ayaw nitong mga ito na nire-reveal nila yung mga tulong nila kasi very ano tong mga ito eh.

Pero, nasa mahigit 150k kasi tumagal din ako duon sa ospital ng ano, almost two weeks….”

Katulad ng inaasahan, hindi din ito ipinabulgar ni Angel noon. Tunay nga na anghel sa totoong buhay ang aktres!

 

Angel Locsin, Hindi Nag Dalawang Isip Bigyan Ng Pera Ang Amang Umiiyak Sa Ospital!

Real life Darna to the rescue again!

Likas na talaga kay Angel Locsin ang tumulong sa kapwa lalo na kung ito ay nangangailangan!

Mula noon hanggang ngayon, ang Kapamilya star ay laging umaakayon kapag may sakun4 o anumang pangyayari na kailangan ng tulong.

Hindi nakapagtataka kung bakit isa siya sa mga hinirang ng Forbes Asia bilang Heroes of Philanthropy.

Bago man dumating ang pandemy4, naka ilang beses na tumulong si Angel tuwing nay bagy0, malakas na lind0l at kahit noong sumabog ang bulkang Taal.

May camera man o wala, laging na sa puso ni Angel na mag bigay ng tulong sa nangangailangan.

Mula nga ito napatunayan ng isang netizen na naabutan si Angel na binibigyan ng pera ang isang ama na umiiyak sa ospital.

Sa Twitter post, isang maiksing video ang makikita. Si Angel ay nakasuot ng pants at puting longsleeves. Makikita sa video na binigyan ng aktres ang isang ama na nakaupo.

Ayon sa caption, narinig daw kasi ni Angel na umiiyak ang ama sa isang gilid. Mahihinuha na ang lalaki ay may anak na na sa ospital.

Hindi naman sinabi kung saan ito at ano ang kundisyon ng bata kung bakit napaiyak na lamang ang ama.

Dali-dali naman nagpaalam si Angel matapos niya itong mabautan ng tulong pinansyal. Natulala na lamang ang lalaki sa kabutihang pinakita ng aktres.

Tunay nga, may mabuting puso talaga si Angel Locsin!

The post Janus Del Prado, walang pagdadalawang isip na ibinunyag na binayaran ni Angel Locsin ang kanyang hospital bill na nagkakahalaga ng P150k appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments