Looking For Anything Specific?

Jinkee Pacquiao, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pumuna sa kanya at tumawag na ‘Walang kahihiyan’

Jinkee Pacquiao, hindi na napigilan at nag bigay ng reaksyon para sa mga taong pumuna ng kanyang mamahaling kasuotan.

Matapos ang laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao noong August 21, 2021 laban sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas na ginanap sa Las Vegas, Nevada.

Bukod sa naging laban mismo ng Boxing Champ, ay kasabay nito ang pagsulputan ng memes at comments tungkol sa asawa niyang si Jinkee.

Kapansin pansin kasi ang all pink Outfit Of The Day (OOTD) ni Jinkee noong laban ng kanyang asawa. Ayon sa mga report, nagkakahalaga ito ng higit Php 2,000,000.

Kilala din naman si Jinkee dahil sa kanyang mga designers outfits na talagang babagsak ang iyong panga sa mga halaga nito.

Si Manny ay natalo ni Ugas via unanimous decision. Kasabay nito, nag labasan ang mga memes tungkol kay Jinkee.

Bukod dito, madami din ang nag bigay ng negatibong komento tungkol sa kanyang milyones na halaga ng kasuotan.

Karamihan sa nag comment ay tinawag siyang ‘insensitive’ dahil nakuha pa daw nitong mag suot ng mamahalin.

Hanggang nitong Huwebes, August 26, may makabuluhang mensahe si Jinkee sa kanyang social media.

“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours,” saad ni Jinkee.

 

Tanging hiling niya, “Spread Love! We should love one another, for GOD is love!”

Nag iwan din siya ng Bible verse na tumatalakay tungkol sa pagkainggit.

Samantala, may mga netizens pa din naman na ipinagtanggol si Jinkee laban sa mga bashers.

Cristy Fermin, sinabing walang ‘kahihiyan’ si Jinkee Pacquiao dahil sa mga pinopost nitong mga mamahaling kagamitan sa social media

Mukhang hindi nagustuhan ni Cristy Fermin ang mga mamahaling kagamitang ipinapakita ni Jinkee Pacquiao online.

Kilala si Jinkee bilang isang fashionista. Madalas siyang nagpo-post ng mga litrato niya sa social media.

Suot ang mga mamahaling brand ng mga damit, bags at accessories niya.

Kamakailan nga lang sa laban ng kanyang mister na si Manny Pacquiao ay naulat na halos tatlong milyon ang presyo ng kanyang mga kasuotan.

Marami ang humanga at napanganga sa halaga ng OOTD ni Jinkee sa nasabing event. Isang araw lamang ngunit milyones na agad ang halaga.

Bagamat maraming nakakaintindi na kaya ni Jinkee na bumili ng mga mamahaling kagamitan tila may hindi naman nagustuhan ang way ng kanyang pag-flex ng mga ito.

At isa na nga dito ay ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sa kanyang kolum kamakailan ay binatikos niya ang misis ng Pmbansang Kamao.

Aniya wala umanong kahihiyan si Jinkee at tila walang pakialam sa nangyayari sa mundo ngayon.

“Nakakaawa si Jinkee sa mga naglalabasang komento laban sa kanya, akala raw siguro niya ay may forever, habambuhay siyang magiging reyna.”

Ito ang saad ni Cristy Fermin sa kanyang kolum sa Phil Star.

Dagdag pa niya, “Wala naman siyang tinatapakan sa pagsunod sa kanyang mga kapritso, hindi naman ‘yun pera ng bayan kundi salaping naipon nila.”

Sa pakikipagbasagan ng mukha ng kanyang mister sa lona, kay nasaan ang problema?

Wala lang talagang pakialam si Jinkee sa nagaganap sa mundo ngayon. Napakaraming kababayan nating nawalan ng trabaho at walang makain.

“Taghirap talaga dahil sa pandemya, pero hindi niya mapigil ang kanyang sarili sa pagyayabang.”

Sa huli ay binatikos nito si Jinkee at sinabing, “‘Yun lang naman ‘yun. Parang hindi siya tinatablan ng kahihiyan.”

 

Pabor ka ba sa pahayg ni Manay Cristy?

The post Jinkee Pacquiao, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pumuna sa kanya at tumawag na ‘Walang kahihiyan’ appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments