Looking For Anything Specific?

TRENDING! Jonahrenz Jacob, Sinabihang Puro Puro Kultura Ang Hiphop At Wala Naman Daw Pera!

Isang youtube vlogger ang gumawa ng ingay matapos maliitin ang Hiphop.

Si Jonahrenz Jacob ay isa sa mga youtube vloggers ngayon at leader ng BruskoBros. Dahil sa mga nakakatuwang videos nito ay umaani ito ng daan daang libong views bawat upload nito. Mayroon na rin itong mahigit 2.5M subscribers sa kanyang youtube channel.

Trending ngayon sa social media ang inupload nitong video habang ito ay nag-rarap. May ilang natuwa dahil pinapasok na niya ang industriya ng rapping ngunit karamihan ay binatikos ito at nakatanggap ng negatib0ng komento.

Lalo itong pinag-initan ng mag-post ito ukol sa kakayanan ng mga rapper.

“PURO KAYO KULTURA NG HIPHOP? EH WALA NAMAN KAYONG MGA PERA! OWSHIII!!!”

Ilang mga fan ng rap nagbigay ng kani kanilang komento ukol dito.

“Culture is not about money, it is about how people practice things that makes it authentic and unique.”

“Yung pero mo jonah mamawala pero yung talento sa hiphop ay legacy na madadala mo sa hukay.”

Pinagtanggol din ni Hiphop Artist na si Rich Flo ang mga kapwa niya rapper at gumawa ito ng sagot kay Jonahrenz sa pamamagitan ng isang rap.

Inulan ito ng papuri mula sa kanyang fans.

“That vibe woooh! Umisa na si Kuya Rich ”

“Salute kuys sa pag mamahal sa kultura”

“PARA SA HIPHOP!!! ”

“Respeto para Kay Idol Rich Flo… Nakakanta na yan sa Wish Bus at may pagmamamhal sya sa Hiphop! Kesa sa mga Brusko na puro Pera ! Ang Pera, kikitain Yan eh ang Respeto mahirap anihin Yan ! Salute Idol ”

Trending Muli Ang Larawan Ni AJ Raval Habang Ito Ay Nagdidilig Ng Halaman

Matapos magtrending ng ilan sa mga vlog ni AJ ay trending muli ang ipinost niyang larawan kung saan nagdidilig ito ng halaman at nagpro-promote ito ng kanyang pelikula.

AJ: “TATAYAAN MO BA AKO? Tumaya na sa pinakasugap@ng pelikula ng taon, ang “TAYA” directed by Roman Perez Jr. Mapapanood na worldwide ngayong August 27 sa Vivamax Philippines, Middle East & Europe, Vivamax Japan, Malaysia, Hong Kong, and Singapore! Pati na rin sa KTX.ph, iWant TFC, and TFC IPTV!”, ito ang naging caption ng larawan nito na umani ng halos kalahating milyong reaksyon at 28k shares sa kanyang social media account.

Inulan ito ng komento galing sa netizens:

“Syempre naman. ALL IN!”

“Di ako nataya pero sige tataya ako”

“Baka gusto mo tulungan kita sa pag dilig lods “

Matatandaang ilan sa mga trending na videos nito ay ang ‘Jojowain O trotropahin’ kung saan kasama nito ang kanyang kapatid, Pagcacarwash kung saan nasita ito ng kanyang ama na si Jeric Raval at ang paglilinis ng kanyang kwarto.

Si AJ ay isa sa mga anak ng dating action star noong 90s na si Jeric Raval. Hindi naman maikakaila na nasa dugo nila ang pagiging artista dahil bukod sa may magandang mukha ito at may angking galing din sa pag-arte. Sa paglabas ni Jeric sa isang vlog nito ay hindi naiwasan ng netizen na purihin ang magandang tindig pa rin ni Jeric na tila ba hindi tumatanda.

The post TRENDING! Jonahrenz Jacob, Sinabihang Puro Puro Kultura Ang Hiphop At Wala Naman Daw Pera! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments