Character actor John Regala is once again suffering from depression due to his illness and his intense desire to act in television and movies again.
He pleads appeal: “Pakiusap ko lang po sana sa mga television network, bigyan niyo naman ako ng trabaho. Kaya ko pa naman [umarte] dahil ito ang makapagpapasaya sa akin. Maraming salamat po.”
John was eager to work, but it was still impossible.
When discussing his illness, John said, ““Ang hiling ko lang sa Diyos, sana huwag na Niya akong pahirapan pa kung kukunin na Niya ako.
“Okey lang po ako ngayon at nagpapalakas. Alam ko na wala nang kagalingan ang aking sakit ngunit inuubos ko na lang ang aking lakas sa paglilingkod sa Diyos.
“Nandito lang po ako sa aking condominium unit at naghihintay ng pagkakataong makabalik sa pelikula.”
John has not worked for a long time and is lucky because many people help him buy the daily medicines he needs.
“May ilang loyal supporters na tumutulong sa akin, lalo na ang Iglesia Ni Cristo na hindi ako pinababayaan sa panahon ng pandemya.
“Pero ang pag-arte sa mga pelikula at teleserye ang mga bagay na inaasam-asam na muling maranasan ang hiling ko lang.
“Maraming-maraming salamat sa mga tao na patuloy na naniniwala sa akin at nananalangin para sa akin.
“Maraming salamat din sa mga sa tao na tumutulong at sumusuporta sa akin. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan, baon-baon ko kahit saan ako makarating ang kagandahang-loob n’yo sa akin,” pasasalamat ni John.
Feelings of grief have increased over the death on July 25 of her estranged father Mel Francisco.
Kilalanin Ang Mga Artista Na Sikat Noon Ngunit Naging Palaboy Na Ngayon
Sabi nga nila, ang buhay ay parang isang gulong. Minsan ikaw ay nasa taas at minsan naman ikaw ay nasa baba. Katulad na lamang sa showbiz industry, hindi mo masasabi kung hanggang kailan ang kinang ng iyong karera at tagumpay na mayroon ka dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon at pangyayari.
Katulad na lamang ng nangyari sa mga kilalang artista at celebrity na ito na minsan ng nakamit ang rurok ng tagumpay ngunit dahil sa ikot ng kapalaran ay nasadlak sa kahirapan.
Narito ang mga kilalang artista na minsan naging palaboy at pulubi matapos mawalan ng career sa showbiz industry:
Jiro Manio
Si Jiro Manio ay sumikat bilang isang child star noon dahil sa kaniyang husay sa pag-arte. Siya ay nakatanggap ng iba’t ibang acting awards dahil sa kaniyang pagganap sa pelikula na ‘Magnifico’ kung saan pinabilib niya ang marami.
Ngunit sa kaniyang pagbibinata, tila nalulong sa bisy0 si Jiro at napabayaan ang kaniyang showbiz career. Taong 2015 nang maging usap-usapan si Jiro matapos mag-viral ang kaniyang larawan kung saan makikita siya na palaboy-laboy na lamang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ilang araw umano natutulog doon ang dating actor at nanlilimos ng pagkain at pera.
Agad naman siyang sinaklolohan ng kamag-anak at ilang naging kasamahan sa showbiz.
Angelo Ilagan
Hindi ikinakahiya ng actor na si Angelo Ilagan ang kaniyang naging kapalaran matapos malaos sa showbiz.
Sumikat si Angelo noon bilang isang teen actor at napanood sa ilang pelikula at palabas sa telebisyon. Siya din ay ang pamangkin ng namayapang aktor na si Jay Ilagan. Matapos mawalan ng proyekto sa showbiz, naghirap umano ang pamilya ni Angelo at nawalan sila ng bahay. Naranasan umano nito na magpalaboy-laboy sa kalsada.
Matapang niyang inamin sa isang panayam na siya ay naging pulubi at snatcher pa sa kalye. Isa daw siyang palaboy noon at paikot ikot sa lansangan. Nalagpasan naman ni Angelo ang pagsubok sa kaniyang buhay noon at ngayon ay nabigyan ng ikalawang pagkakataon sa showbiz.
Boy Alano
Naging kalunos-lunos ang sinapit ng dating child actor na si Boy Alano. Si Boy ay naging isa sa mga naging sikat na artista sa mundo ng pelikula noong dekada 50. Nakasama niya sa iba’t ibang pelikula ang ilan sa mga sikat na artista sa kasaysayan ng showbiz. Siya din ang kauna-unahang Pilipino bilang isang Best Actor sa Asian Film Festival.
Naging masagana noon ang buhay ni Boy ngunit dahil sa tukso ng mga bisy0 ay unti-unti siyang naghirap. Taong 2008, naging viral ang kaniyang mga naging kapalaran. Ang isang sikat na artista ay pakalat kalat na lamang daw sa kalye at natutulog sa isang garahe.
Lovely Embuscado
Si Lovely Embuscado ay dating contestant ng reality singing competition ng GMA Network. Naging isang Kapuso actress at napanood sa mga palabas sa GMA-7 si Lovely.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay biglang tumamlay ang karera niya sa industriya ng showbiz at bigla na lamang nawala sa harap ng camera. Noong nakaraang taon, namataan si Lovely at ang kaniyang mga magulang na nakatira na lamang sa lansangan.
Ayon sa report ng PEP.ph, homeless na ang pamilya ni Lovely kaya sa kalye na lamang sila naninirahan. Nanghihingi na lamang din sila ng pagkain sa simbahan upang maitawid ang gutom. Tila naging tulala si Lovely sa sarili dahil na din sa pinagdaanan nitong d3presyon.
Soliman Cruz
Si Soliman Cruz ay isa sa mga beteranong actor sa mundo ng showbiz. Kaya sino nga ba naman ang mag-aakala na minsan na siyang naging pulubi at nanirahan sa lansangan.
Taong 2014, nang maging usap-usapan si Soliman hindi dahil sa kaniyang pelikula kundi dahil sa lagi itong nakikita ng mga tao na dumadaan sa Roxas Boulevard. Naging isang palaboy noon si Soliman sa kalye at sa boardwalk ng Roxas Boulevard lamang siya natutulog matapos itong mawalan ng proyekto sa showbiz at dahil sa pagkakalulong nito sa ipinagbabawal na gam0t.
The post John Regala, nakiusap sa mga TV network na bigyan siya ng trabaho appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments