Looking For Anything Specific?

Mag-ama na nagsasaka pinagtatawanan dahil imbis kalabaw ang humihila ay tao ang gumagawa, Kinahabagan!

Isa sa pinaka-kilala at sikat na programa ngayon sa bansa ay ang programa ni Raffy Tulfo, marami sa ating kababayan ang tumatangkilik dito dahil marami na itong natutulungan.

Hindi lang dito sa ating bansa maging ang ating mga kababayang OFW ay natutulungan ng programa ni Raffy Tulfo.

At kamakailan nga ay usap-usapan ang isang episodes sa kanyang programa na “Wanted sa Radyo” matapos dumulog sa kanya ang isang Magsasaka na si Ismael Malabat ng Brgy. Danus sa Leyte.

Lumapit si Ismael sa programa ni Sir Tulfo upang matulungan silang magkaroon ng Kalabaw upang may gamitin sila sa kanilang pag-aararo.

Madalas raw kasi umano na sila ng kanyang anak ay pagtawanan ng mga tao dahil imbis na kalabaw ang humila ay tao ang gumagawa dahil sa kawalan nila ng pambili nito.

Dahil dito nahabag si Sir Tulfo sa kalagayan ni Tatay Ismael at ng kanyang Anak. Ayon pa kay Sir Tulfo doon lang daw siya nakakita na tao ang humihila at hindi ang Kalabaw sa pagsasaka.

Kaya naman imbis na Php38,000 lang ang ibigay ni Sir Tulfo para pambili ng kalabaw ay ginawa na niya itong Php100,000 para makabili ng mga pangangailangan ng kanyang Pamilya.

Dagdag pa diyan nagpapunta pa si Sir Tulfo ng isang staff sa bahay ni Tatay Ismael at ng makausap ito via video call nakita na sira-sira ang Bubong ng bahay nito, Kaya naman magbibigay raw ng mga gamit si Sir Tulfo at ipapagawa ang bahay ni Tatay Ismael.

Narito sa baba ang kabuuang kwento ng pagtulong ni Sir Tulfo kay Tatay Ismael.

Post a Comment

0 Comments