Looking For Anything Specific?

Kumakain ka ba ng Paa ng Manok? Ito pala ang magagandang benepisyo nito sa ating katawan

Marahil marami ang mga taong ayaw kumain ng paa ng manok dahil sa itsura nito, Ngunit masasabing ito ay isa sa mga pinaka masarap na pagkain at sikat sa mga Asian Countries tulad ng Pilipinas, China, Vietnam at Korea.

Ang ilan pa ngang mga bansa tulad ng Jamaica at ilang lugar sa South America at Africa ay may kanya-kanyang recipes sa pag luluto ng paa ng manok.

Samantala ayon naman sa pag-aaral ang pagkain ng paa ng manok ay may benepisyo na pagpapaganda ng balat.

Ayon kasi sa pag-aaral ng Department of Animal Science of National Chung-Hsing University sa Taiwan ang paa ng manok ay may collagen.

Ang collagen ay kilalang sangkap para sa pagkakaroon ng magandang balat.

Ang paa ng manok din daw ay isa din magandang alternativo para pagkunan ng collagen, Kadalasan kasing pinagmumulan ng collagen ay ang mga marine fish, bovine at baboy ngunit ang mga ito ay masyadong mahal.

Bukod sa benepisyong collagen ay may nakukuha rin tayo ditong Chrondroitin sulfate at Hyaluronic acid.

Ang chrondroitin sulfate ay maganda para sa osteoarthritis kaya naman ito ay makakatulong sa mga taong may problme sa kanilang kasu-kasuan.

Habang ang Hyaluronic acid naman ay maaaring makatulong upang maiwasan ang epekto ng pagtanda.

Narito ang ilang benepisyo na maaari mong makuha sa collagen:

* Mas malusog at mas bata na balat.
* Mayaman ito sa protina at calcium, nang walang carbohydrates.
* Pinapahusay nito ang pag-supply ng dugø sa pamamagitan ng pagpapalakas ng daluyan ng dugø.
* Tinutulungan ang katawan sa pagme-metabolize ng mga taba kung kaya’t ito ay mabuti kung gusto mong magbawas ng timbang.
* Pinapabagal nito ang epekto ng arthritis.

Ang mga collagen supplements ay may kamahalan, kaya naman bakit mo pa kakailanganin gumastos ng malaki kung mayroon naman na mababang presyo na alternatibo para dito.

Para naman ang makuha ang benepisyong collagen sa paa ng manok, maari niyo itong gamitin sa broth, soups at kahit pa anong klasing luto.

Ang mga Adidas (Paa ng Manok) ay mayroong balat, tendons at buto, ngunit wala itong muscles. Mayroon itong mga calcium, cartilage, protein, trace minerals at collagen.

Dagdag pa diyan ang paggamit ng paa ng manok sa iyong sabaw ay mabilis makatulong at makuha ang benepisyo para sa iyong kasu-kasuan.

Narito ang preparasyon kung paano lutuin ang paa ng manok:

1. Hugasan ang paa ng manok ng mabuti.
2. Kuskusin ito gamit ang asin para mawala ang dumi.
3. Pagkatapos, banlawan ang paa ng manok ng kumukulong tubig sa loob ng tatlong minuto.
4. Hayaan itong lumamig bago mo alisin ang mga dilaw na lamad sa paa.
5. Tanggalin ang dulo ng mga kuko gamit ang kutsilyo o gunting.

Mas magadang gawing luto sa paa ng manok ay ang mayroon itong sabaw, dahil sa pamamagitan nito ay lalambot ang paa ng manok at lahat ng parti dito ay maaari mong makain maliban sa buto, maganda rin ang may sabaw upang mabilis makuha ang benepisyo para sa iyong kasu-kasuan.

Hindi ka naman mahihirapan na makahanap at makabili ng paa ng manok dahil sa mga palengke lamang ay nagkalat na ang mga panindang ito lalo na sa mga Asian Countries tulad ng Pilipinas.

Post a Comment

0 Comments