Looking For Anything Specific?

Mahal o Noeme Tesorero Sa Tunay Na Buhay Pυмαnαω Na Sa Edad Na 44

Isang nakakalungkot na balita ang naiulat ngayong araw tungkol sa pagp4naw ng batikang komedyante na si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay sa edad na 44.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero sa isang Facebook post.

Ani Irene,

“Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pang schedule sa kanyang bur0l due to C0VID restriction.”

Maraming celebrity at mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pakikidalamhati para sa naiwang pamilya ni Mahal.

 

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media si Mahal matapos ang kaniyang pagbisita sa dating ka-love team na si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay sa probinsya nito sa Guinubatan, Albay. Kasama pa noon ng comedy actress ang nali-link sa kaniya na si Mygz Molino.

Si Mahal ay huling napanood sa romantic-comedy series ng GMA-7 na Owe My Love.

 

Narito ang komento ng mga netizens:

“sayang naman ang saya pa naman ng vlog nila ni mygz, pero naiisip ko rin paano nalang c mahal kung may asawa na c mygz kasi sobrang close talaga cla.hindi ko maimagine ang mararamdaman ni mahal.kaya pala, dahil mawawala cya.tingin ko kay mygz talagang walang halong kaplastikan ang trato nya kay mahal.kung nawala man c mahal walang pagsisihan c mygz dahil inalagaan niyang mabuti c mahal”

“Omg kakapanood ka palang ng vlog nila mgys nong isang araw 😥😥 wala na ung nag papasaya sakin ang lungkot na balita we miss you mahal hindi ka namin makakalimutan 😓😓😓

“Rest n peace mahal bakit bigla yata di ko akalain mam4tay ka nalungkot ako lage ko kau napanood ni mygz lalo ung birthday mo ganda ng dress na pula ang cute u.paalam mahal”

“Grabe naman nakakalungkot naalala ko pa yung sinabe nya kay mura nung papauwi sila na “Tuloy ang suporta ko sayo kahit wala na ako 😢 Rest in peace Mahal🙏🕯💐❤

Mygz Molino, ibinahagi ang masayang bonding nina Mahal at Mura sa muling pagkikita nito matapos ang ilang taon

Nananatiling malapit na kaibigan ni Mahal ang komedyanteng si Mura na kaniyang binisita sa Albay upang kumustahin. 

Sa vlog ng aktor na si Mygz Molino, sinadya mismo ni Mahal ang kaibigan sa tinitirhan nito sa Bicol na kinakailangan pang lakarin ng higit isang oras bago marating.

Ayon kay Mygz at Mahal, hindi kakayanin ng sasakyan na pasukin ang bundok kung saan nakatira si Mura kaya naman kinailangan nilang maglakad.

Ito ang ibinahagi ni Mygz sa part 1 ng kanyang vlog na pagbisita nila ni Mahal kay Mura.

Sinalubong sila ng komedyante upang sabayan maglakad papunta sa kanilang tahanan.

Sa simula ay malakas pa ang loob ni Mahal na maglakad kasama si Mygz habang si Mura na may problema sa paa ay sumakay na muna sa motor.

Ngunit dahil umulan na nagresulta sa makapal na putik sa kanilang dadaanan, hindi na rin kinaya ng motor na dumaan kaya naman nagpabuhat na si Mura sa kamag-anak.

Binuhat na rin ni Mygz si Mahal upang baybayin ang maputik na daan papunta sa kasalukuyang tinitirhan ni Mura.

Makalipas ang isa’t kalahating oras ay narating na nila ang bahay ni Mura.

Samantala, inilabas na din ni Mygz ang part 2 ng kanyang vlog. Kung saan,

Ibinahagi nito ang mga plano at kahilingan ni Mura.

Ani Mura, dahil nahihirapan na siya sa pagsasaka sa bayan nila. Gusto niyang muling maging aktibo sa pag-arte at bumalik sa showbiz.

Balak din umano nito na mag-alaga ng mga baboy upang gawing negosyo. Para kahit papano ay may dagdag kita siya.

Nangako naman si Mygz na sasagutin nito ang isang taong supply ng pagkain.

Para sa mga biik na ibibigay niya kay Mura.

Narito ang kanilang video:

The post Mahal o Noeme Tesorero Sa Tunay Na Buhay Pυмαnαω Na Sa Edad Na 44 appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments