Looking For Anything Specific?

Mark Herras, may munting mensahe matapos magviral ang ‘pangungutang’ issue sa manager niyang si Lolit Solis

Tila ayaw bigyan ng pansin ni Mark Herras ang mga naglalabasang isyu patungkol sa kanya at kay Lolit Solis.

Mainit pa ring usapin magpasa hanggang ngayon ang tungkol sa pangungutang umano ni Mark kay Manay Lolit.

Nag-umpisa ito ng lumabas sa weekly online show kamakailan ni Lolit Solis ang naging usapan umano nila ng kanyang alaga.

Saad ni Manay Lolit tinawagan umano siya ni Mark para mangutang ng thirty thousand pesos.

Pangdadag umano sa pangbili ng pangangailangan ng 6mos. old na anak nila ni Nicole Donesa. Bago pautangin ni Manay Lolit si Mark ay nakatikim muna ito ng sermon sa kanya.

Hanggang sa ikinumpara pa ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na kasabayan nito sa Starstruck.

Marami naman ang hindi natuwa sa pagbabahaging ito ni Lolit. At isa nga sa hindi natuwa at naawa kay Mark ay si RR Enriquez.

Sa kanyang Instagram post, diretsahang binatikos ni RR si Manay Lolit dahil sa pagbubulgar nito ng pangungutang ni Mark.

 

Pero ilang oras lang ang lumipas ay may sagot agad dito si Manay Lolit. Hindi niya pinalagpas ang mga bumatikos sa kanya.

Sa dalawang magkasunod na Instagram post ay isa-isang sinagot ni Lolit ang mga paratang sa kanya.

Pero sa gitna ng ainit na usaping ito, tila wala namang pakealam si Mark Herras dito. Ngunit sa kanyang IG post ay may patutsada ang aktor.

Aniya ayaw niyang palakihin ang anak niya sa tsismis, at ibinahagi pa nito na breastfed ang kanyang anak.

Tila pinasisinungalingan niyang nangutang siya kay Lolit para sa pangbili ng gatas ng kanyang anak.

Narito ang kabuuan ng post ni Mark Herras:

RR Enriquez, naawa kay Mark Heraas, dahil umano sa ginawang pamamahiya ni Lolit Solis sa pangungutang nito

Naawa ang dating aktres at Wowowee Dancer na si RR Enriquez kay Mark Herras.

Ito ay dahil sa ginawang pamamahiya umano ng manager nito na si Lolit Solis sa aktor.

Naawa ang dating aktres at Wowowee Dancer na si RR Enriquez kay Mark Herras.

Ito ay dahil sa ginawang pamamahiya umano ng manager nito na si Lolit Solis sa aktor.

Kamakailan nga lang ay naging usap-usapan ang pahayag ni Lolit Solis laban kay Mark Herras.

Ibinahagi kasi ng beteranang talent manager at manunulat na nangutang umano si Mark sa kanya ng 30 thousand pesos.

Ayon kay Lolit tinawagan siya ni Mark para angutang pang bili ng gatas ng anak nito na 6mos.old na ngayon.

Bago pautangin ni Manay Lolit si Mark ay nakatikim muna ito ng sermon sa kanya

Hanggang sa ikinumpara pa ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na kasabayan nito sa Starstruck.

Marami naman ang hindi natuwa sa pagbabahaging ito ni Lolit. Saad pa nga ng ilan ay ipinahiya ni Lolit ang kanyang alaga sa social media.

At isa nga sa hindi natuwa at naawa kay Mark ay si RR Enriquez.

Sa kanyang Instagram post, diretsahang binatikos ni RR si Manay Lolit dahil sa pagbubulgar nito ng pangungutang ni Mark.

Saad ni RR, “Totoo ba ito? Kung totoo man. Gusto ko makisawsaw. Alam mo Lolit Solis Ang tanda mo na 70plus ka na pero chismosa ka pa din. Yung konti na lang ilalagi mo sa mundong ito hindi ka pa gumawa ng kabutihan! Gusto mo yung bida bida ka pa din?”

Dagdag pa ni RR, “I feel sorry for Mark Herras! Imagine he trusted you bilang manager nya. Nanghiram sayo ng 30k kasi lugmok yung tao tapos ikaw lalo mo pa nilugmog sa kahihiyan.”

Sinumbatan din ni RR si Lolit at sinabing malaki na ang kinita nito kay Mark bilang manager nito.

Narito ang kabuuan ng post ni RR Enriquez:

The post Mark Herras, may munting mensahe matapos magviral ang ‘pangungutang’ issue sa manager niyang si Lolit Solis appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments