Madam Inutz may pananagutan nga ba sa biglaang pag-alis sa Star Image Artist Management?
Ito ang tinalakay ng abogadong si Attorney Ranny Randolf B. Libayan sa kanyang latest vlog.
Matatandaan noong August 13, nabigla ang lahat ng biglaang pumirma ng kontrata si Madam Inutz sa Star Image Artist Management.
Marami sa kanyang followers ang hindi sang-ayon sa naging desisyon niyang ito. Dahil anila gagamitin lang siya ng nasabing kumpanya.

Ang Star Image Artist Management ang may hawak kina Xander Ford at Buknoy na kilalang mga pasaway na internet personality.

Kaya naman marami ang nagsabi na maling desisyon ang nagawa ni Madam Inutz na magpamanage sa Star Image.

Makalipas naman ang dalawang araw, sa kanyang live sa Facebook ay ibinahagi ni Madam Inutz na umalis na nga siya sa kumpanya.

Ito ay dahil sa payo ng kanyang mga supporters, malapit na mga kaibigan, at ng kanyang pamilya.

May nakita rin umano silang mali ng ipa-review niya ang kontrata na kanyang pinirmahan. Unang-una na dito na walang expiration ang kontrata.

Kaya naisip umano agad niya na kung paan na lang kung walang poryekto para sa kanya, wala din siyang kikitain.

Ibinigay din niya sa management ang personal number niya at sila na ang sumasagot sa mga tawag sa kanya.

Which is mali daw pala ayon sa abogadong nagmagandang loob para tulungan siya.
May ilan naman na nag-aalala sa kung ano ang magiging epekto nito kay Madam Inutz.
Kaya naman sa vlog ni Atty. Libayan sinabi nito na ang kotrata ay isang batas. May pananagutan umano si Madam Inutz sa pagbali niya sa kontrata.
Pero sa huli ay ipinaliwanag ni Atty Libayan na pwedeng null and void ang kontrata dahila sa kawalan ng meeting of minds.
Namanipula umano ng Star Image si Madam Inutz dahil bago pa lang ito sa ganung kalakaran.
Negosyanteng Vlogger na si Wilbert Tolentino, naghatid ng surpresang tulong kay Madam Inutz na P200k

Isang surpresa ang hatid ng negosyante at vlogger na si Wilbert Tolentino para kay Queen Inutz.
Kilalang kilala na nga ngayon sa social media ang online seller na si Daisy Lopez. O mas kilala bilang si Queen Inutz.
Kamakailan nga lamang ay pumirma na siya ng kontrata sa Star Image Artist Management. Ngunit dalawang araw ang lumipas ay binawi niya ito.

Aniya, may mga nakita umano siyang mali sa mga nakasaad sa kontrata. Dahil na rin sa payo ng kanyang mga supporters at pamilya ay napagdesisyunan niyang i-withdraw ang kontrata.

Samantala, may nawala man pero mas malaking oportunidad ang dumating kay Queen Inutz.

Una nang bumisita sa kanila sa Amadeo Cavite ay sina Ethel Booba at Donita Nose. Kung saan naginuman ang mga ito at nagkantahan pa.

Sa huli ay biniling lahat nina Donita at Ethel ang panindang ukay-ukay ni Madam Inutz. Para na rin umano makatulong para sa kanyang pamilya.

At ngayong araw naman, isang surpresa muli ang natanggap ni Madam Inutz, this time ay galing naman kay Mamshie Wilbert.

Personal ding nagpunta ang ka-freshness ng lahat na si Wilbert sa tahanan nila Madam Inutz, kasama rin niya si Herlene.

Sa simula ng kanyang vlog ay ibinahagi ni Wilbert na bibigyan niya ng two hundred thousand pesos si Madam Inutz.

100K para sa pangangailangan ng nanay nito na bedridden na at 100K naman para sa pandagdag sa negosyo nito.

Naging emosyonal naman ang tagpo ng iabot na ni Wilbert ang pera kay Madam Inutz.

Hindi umano lubos akalain ni Madam Inutz na may magbibigay sa kanya ng ganun kalaking halaga.

Ultimo si Herlene na kilalang palatawa ay hindi napigilan ang kanyang luha.
Sobra sobra naman ang naging pasasalamat ni Madam Inutz sa kabutihan ng puso ni Mamshie Wilbert.
Narito ang kanilang video:
The post Isang bihasa na mambabatas, inaming pwedeng managot si Madam Inutz dahil sa binaleng kontrata nito sa Star Image appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments