“Silence is the best response to a fool”
Ito ang makahulugang post ng aktor na si Mark Herras. Silence is power umano sa gitna ng issue nila ni Lolit Solis.
Magpasa hanggang ngayon kasi ay tila hindi pa din natatapos ang pangbabatikos ni Manay Lolit sa aktor.
Nag-umpisa sa pagbubulgar ng pangungutang nito sa kanya ng 30K para pangbili umano ng gatas ng anak.

Na tila sinagot din ni Mark sa kanyang Instagram post kamakailan. Aniya ayaw niyang palakihin ang anak niya sa tsismis, at ibinahagi pa nito na breastfed ang kanyang anak.
Hanggang sa nakisali na din si RR Enriquez para ipagtanggol si Mark sa mga nagng pahayag ni Lolit.

At syempre hindi naman ito pinalagpas ng batikang kolumnista. May matinding pahayag din siya laban sa mga nagtatanggol sa aktor.

Ngayong araw naman, Biyernes, August 20, ay inanunsyo ni Manay Lolit na bibitawan na niya si Mark.

Sa kanyang pahayag ay hindi pa din nawala ang simpleng pangungutya niya sa dating alaga.
“At para narin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita. Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya.”
Samantala, tila ayaw ng bigyan ng pansin ni Mark ang patutsadan ito ni Manay Lolit sa kanya.
Isang cryptic message na lang ang pinost ng aktor tungkol sa pananahimik.
Kalakip ng art card na mababasang “Silence is the best response to a fool” at “Silence is Power” nilagyan ito ni Mark ng caption na “BASIC”
Tila nais iparating ni Mark na nais niya na lang manahimik kesa pumatol pa.
Lolit Solis, may bwelta sa mga netizens na bumabatikos sa pahayag niya kay Mark Herras

Hindi pinalagpas ni Lolit Solis ang mga natanggap na batikos dahil sa kanyang ibinahagi tungkol kay Mark Herras.
Ilang araw na ngang usap-usapan sa social media ang pagsiwalat ni Lolit na nangutang umano ng 30K si Mark sa kanya.
Upang ipangbilli umano ng gatas ng kanyang anak. Ngunit bago niya ito pautangin ay sinermunan niya muna ito.
Maraing netizens at ilang celebrity ang hindi naman natuwa sa pahayag ni Lolit at naawa sa ginawa nito kay Mark.

At isa na nga dito ay si RR Enriquez na nagpost sa kanyang Instagram at binatikos si Lolit.
Sa comment section ng post ni RR maraming celebrities din tulad ni Zeinab Harake, Kevin Balot, at Alyana Asistio ang sumangayon sa kanya

Pero ilang oras lang ang lumipas ay may sagot agad dito si Manay Lolit. Hindi niya pinalagpas ang mga bumatikos sa kanya.

Sa dalawang magkasunod na Instagram post ay isa-isang sinagot ni Lolit ang mga paratang sa kanya.

Aniya, “I refuse to get mad Salve. Pero hindi ko parin palalagpasin ang kakitiran ng utak ng ilang taong nagtatanggol kay Mark Herras. Actually, natutuwa ako at meron palang followers na handa siyang ipagtanggol pag meron siyang napasukan ng issue. ”

Saad pa ni Lolit sa lahat ng alaga niya ay si Mark daw ang tinuturing niyang pamilya.

Hindi umano paninira ang ginawa niya kay Mark bagkus gusto niya itong pangaralan sa mga kamalian nito.
Sa sumunod na post ay sinabi ni Lolit na bad influence umano ang mga nagtatanggol kay Mark.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
The post Mark Herras, nagpost ng ‘Silence is power’ sa likod ng patuloy na pamamahiya sa kanya ni Loli Solis appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments